Shooting ng Darna ni Jane de Leon umarangkada

NAGSIMULA na ang shooting ng bagong movie version ng “Darna” na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Matapos ang napakaraming kontrobersiya, natuloy na rin sa wakas ang first shooting day ng pelikula na una sanang ididirek ni Erik Matti at pagbibidahan ni Liza Soberano.

Sa Instagram account ng bagong direktor ng “Darna” na si Jerrold Tarog (ng Heneral Luna at Goyo), ibinalita nito na nagsimula na ang paggiling ng kamera para sa bago niyang project.

Ipinost niya ang isang Darna funko pop habang nasa likurang bahagi siya kasama ang kanyang staff and crew na may caption na “Day1.”

Read more...