Watched week’s episode of “A Soldier’s Heart” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Yves Flores, Jerome Ponce, Vin Abrenica, Carlo Aquino, Elmo Magalona and Nash Aguas.
The story is about soldiers and ABS-CBN left no stone unturned to make it one of the best teleseryes to be launched this year.
Hindi nagtipid ang network sa pagpapakita ng mga eksena sa malalayong lugar sa Mindanao. Talagang makikita mo ang natural na mga scenes sa baryo, sa city at maging sa Philippine Army.
Unang eksena pa lang ay pasabog na. Naipit sa armed conflict ang pamilya nina Irma Adlawan at asawa nitong si Lito Pimentel. Napatay si Lito, nasabugan ang anak nito na later on ay si Gerald at nakatakas sina Irma at anak nitong si Sid Lucero.
Lumaki si Gerald sa kinagisnang amang military at napasabak siya sa laban nang tambangan sila habang papunta sila sa isang military site.
And galing ni Gerald bilang isang binata na gustong pumasok sa military. Si Nash Aguas, super galing din as an aspiring military student na hindi makapasa-pasa. Si Sid as Saal na anak ni Irma at kapatid ni Gerald ay wala pa ring kupas.
Malalaki ang halos lahat ng mga eksena sa gubat, sa military at kung saan-saan pa. ‘Yung military training pa lang ay talagang totoong-totoo ang pinagdaanan ng mga actor.
Go watch it as it premieres tomorrow sa ABS-CBN primetime. Parang movie ang scale ng bagong teleseryeng ito ni Gerald.