Zaijian Jaranilla may GF na, ayaw magkadyowa ng taga-showbiz

     

Binatang-binata na ang dating child star na si Zaijian Jaranilla. In fact, inamin niya na meron na siyang girlfriend ngayon na non-showbiz.

Sa nakaraang mediacon para sa iWant series na “Story Of My Life” na pinagbibidahan ng binata, sinabi ni Zaijian na ayaw niyang magkaroon ng dyowang taga-showbiz.

“Siguro po kasi dahil sa mga nakikita ko sa social media na sa showbiz ang isyu-isyu. Gusto ko lang po ng private na relationship lang,” matipid na pahayag ng Kapamilya teen actor.

Sa iWant original series na “Story Of My Life” ginagampanan ni Zaijian ang karakter ng isang teenager na dumaraan sa matinding depression kaya natanong siya pati na ang co-stars niyang sina Iyah Mina at Tart Carlos kung ano ang masasabi nila tungkol sa isyu ng mental health sa industriya ng showbiz.

“Siguro opinyon ko po, hindi talaga siya safe. Kasi po para sa showbiz, yung buhay mo doon, bukas na bukas e. Parang konting kibot mo lang, mai-issue ka na. Siyempre tao rin naman tayo, minsan nagkakamali din tayo, minsan nauubusan din tayo ng pasensya. Kaya po, siguro hindi siya safe, para sa akin po.

“Sa tagal tagal ko naman dito sa showbiz, parang hindi naman ako nabibigyan ng mga headlines o isyu,” ani Zaijian na halos 10 taon na ring nasa showbiz.

Napapanood na ngayon nang libre sa iWant ang “Story Of My Life”.

Read more...