Dating sikat na aktres na hayok sa lalaki mas maligaya ngayon sa asawang tomboy

NAGKITA-KITA sa isang malaking pagtitipon ang mga lalaking personalidad na minsan isang panahon ay nakasabay sa alapaap ng kaligayahan ng isang female personality.

Matindi ang nasabing babaeng personalidad nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad, wala siyang pakialam, sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya, gagawin niya ang kanyang gusto at walang kahit sinong makakokontra sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Lahat ng leading man niya, e, hindi nakalulusot sa kanya. Ke binata pa o pamilyado na ang guy, e, wala siyang pakialam!

“Basta nagustuhan niya, basta napagtripan niya, e, kailangan niyang makuha ang lalaki. Maparaan siya! Tahimik na ang lahat sa location, nakatulog na sa sobrang pagod ang mga production staff at crew, pero gising na gising pa rin ang girl!

“Bakit? Tumityempo kasi siya, kailangang magetlak niya ang leading man niya! ‘Yun ang kailangan niyang mapagtagumpayan!” tawa nang tawang kuwento ng chikadora naming source.

At talagang walang nakalulusot sa female personality, hindi puwedeng hindi niya makuha ang kanyang leading man kahit pa ilang araw pa lang silang nagkakakilala, ganu’n siya kabilis.

Patuloy na chika ng impormante, “Kahit ano ang mangyari, kailangang mapagtagumpayan niya ang challenge, ano bang super-loyal sa wife niya ang leading man niya?

“Alam na ‘yun ng mga taga-production, hindi matatapos ang ilang araw nilang shooting nang hindi nagegetlak ng girl ang kanyang leading man. Sigurado na ‘yun! Nakakahon na!

“Siya mismo ang pumupunta sa cottage kung saan pansamantalang nakatira ang lalaki, wala siyang pakialam kung meron mang PA ang guy, gagawa at gagawa siya ng paraang magkaroon sila ng chance na makapagchurvahan ng guy!

“Pero ngayon, e, nagbago na siya, hindi na lalaki ang type niya, ayaw na niya sa hotdog, hamburger na ang nakapagpapaligaya sa kanya!

“Nagsawa na siya sa hotdog, tivoli na ang karelasyon niya, kung isasakay sa double decker na bus ang mga nagdaang guys sa kanya, e, hindi kakasya sa dami nila!” humahalakhak pang pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! Life is not always a bed of roses!

Read more...