July pa lang daw ay nagkabalikan na sina Joem Bascon at Meryll Soriano. That’s according to the grapevine which reached us.
Nagkabalikan daw sila during the shooting of “Culion”, ang kulelat sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Sa shooting sa Palawan nangyari ang kanilang reunited-and-it-feels-so-good drama.
Marami ang nakapansin sa kakaibang body language ng ex-couple during the shoot. They were extra sweet at talagang nag-effort si Joem para pasayahin si Meryl.
Actually, tapos na lahat ng mga eksena ni Joem pero bumalik siya sa location para lang makasama si Meryll. Sa isang vlog entry, sinabi ni Crisha Uy, ex-GF ni Joem, na the actor “fell out of love.”
“Mahirap sabihin, pero wala na tayong magagawa if he fell out of love. Hindi ko naman puwedeng pilitin yung tao na hindi na ako mahal. Mahirap tanggapin, pero kailangan mong tanggapin,” say ni Crisha tungkol sa hiwalayan nila ng aktor na si Joem sa latest vlog.
Naghiwalay ang dalawa matapos gawin ni Joem ang “Culion.” Until now ay wala pang confirmation sina Meryll at Joem na nagkabalikan na sila kahit na magkasama silang nag-celebrate ng New Year kasama ang pamilya ng aktres.
May overlapping bang naganap, Joem? Pakisagot nga.