Vice nairita sa guesting ni Kit sa GGV: Hindi ‘yun ipinalabas!

VICE GANDA AT KIT THOMPSON

Natanong si Vice Ganda ni Robi Domingo kung sino sa mga naging guests niya sa Gandang Gabi, Vice ang pinakanairita siya.

Nangyari ‘yan sa “Sagot o Lagot” segment ng Sunday show ng Unkabogable Star. Si Kit Thompson ang sagot ni Vice Ganda.

“Yung unang guesting niya na hindi ipinalabas. Pero yung mga sumunod na guesting, napalabas na. Okay na, welcome na ulit si Kit Thompson sa GGV,” say ni Vice.

“Pero yung una talaga, as in wala. Yung parang mayabang lang siya. Ayaw sumagot ng ano…wala,” dagdag pa ni Vice.

Read more...