Alex Gonzaga engaged na kay Mikee Morada! | Bandera

Alex Gonzaga engaged na kay Mikee Morada!

Ervin Santiago |January 17,2020
facebook
share this

Alex Gonzaga engaged na kay Mikee Morada!

Ervin Santiago - January 17, 2020 - 01:19 PM

ENGAGED na ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.

Ito ang ibinandera ng kapatid ni Toni Gonzaga sa kanyang social media followers kasabay ng pagpo-post ng picture nila ni Mikee kung saan makikita ang suot niyang engagement ring na nagmumura ang malaking diamond stone.

Naganap ang announcement ng magdyowa sa 31st birthday celebration ng Kapamilya actress kahapon, Jan. 16 sa isang private dining room sa Sofitel Philippine Plaza Manila. Naroon siyempre ang kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Sa isang video na kuha sa nasabing selebrasyon, makikitang magkatabi sina Alex at Mikee sa table habang kumakanta ang kanilang mga bisita ng “Happy Birthday”. Inabot ng binata kay Alex ang birthday cake at pagkatapos hipan ang birthday candle agad na nag-dialogue ang komedyana ng, “I’m engaged!” na sinegundahan naman ni Mikee ng, “We’re engaged.”

Sa isang video clip naman, may nagtanong sa nanay ni Alex na si Mommy Pinty kung naiiyak daw ba siya ngayong engaged na ang anak, maririning na sagot nito, “No, I’m happy.” Tuwang-tuwa rin si Toni sa good news ng kanyang sisteraka.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Alex ang sweet photo nila ni Mikee – mahigpit siyang nakayakap sa kanyang dyowa habang nakapatong ang ang kamay sa dibdib ng binata kaya naman kitang-kita ang singsing na ibinigay sa kanya ng binata.

Caption ni Alex, “Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you Jesus! Vlog tomorrow.”

Bumaha naman ng pagbati mula sa mga kaibigan ni Alex sa showbiz kabilang na riyan sina Luis Manzano at girlfriend na si Jessy Mendiola, Julia Barretto, Rayver Cruz, Yassi Pressman, Kim Chiu, Bianca Gonzalez at marami pang iba.

Kung matatandaan, inamin ni Alex sa isang panayam na si Piolo Pascual ang nagsilbing kupido sa pagmamahalan nila ni Mikee. Si Papa P ang naging tulay sa pagtatagpo ng kanilang landas. Matagal na raw crush ng binata si Alex kaya kinausap niya si Piolo para pormal siyang ipakilala sa dalaga. And as they always say, the rest is history.

Nag-celebrate last Oct. 31, 2019 ng kanilang third anniversary bilang couple sina Alex at Mikee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending