Bakit inggit na inggit ang mga beki kay Yam Concepcion? | Bandera

Bakit inggit na inggit ang mga beki kay Yam Concepcion?

Bandera - January 17, 2020 - 12:55 AM

 

YAM CONCEPCION AT MIGUEL CU-UNJIENG

 

Inggit na inggit ang mga beki kay Yam Concepcion dahil sa super yummy boyfriend nitong si Miguel Cu-Unjieng.

Kaya naman hindi rin nagpapatalbog ang aktres sa kanyang mga Instagram photos kung saan nagmumura rin ang kanyang kaseksihan.

Sa nakaraang presscon ng bagong pelikula ni Yam, ang “NightShift” under Viva Films, natanong kung hindi ba nagseselos ang kanyang dyowa sa mga lalaking nagkakainteres sa kanya.

“Medyo lang, lalo na noong ginagawa namin ‘yung Halik,” chika ni Yam na ang tinutukoy ay ang maiinit na eksena niya kasama sina Jericho Rosales at Sam Milby. “Siyempre, kasi nakikita niya sa social media. Sabi niya, ‘Oh my God, what’s that?’ Ha-hahaha! ‘What’s happening?’”

Dahil dito, nahihiya raw siya kay Miguel kapag napapanood ang mga intimate scenes niya sa serye, “Sabi ko nga wag na lang, parang ano, nakakahiya, e. Kasi ang layo sa personal, nahihiya ako kasi hindi siya showbiz. So, parang hindi naman niya alam how it’s like to be here. So, parang pag kasama ko siya, wala, ganoon lang, normal. Siyempre kung ganoon, nakakahiya. Wag mo nang papanoorin, di ba? Alam mo ’yon? Nako-conscious ka rin sa sarili mo.”

“Pero wala naman siyang rasong magalit or magselos kasi loyal naman ako sa kanya. Trabaho lang. Tsaka siguro dahil na rin sa age, sa maturity, sa foundation naming dalawa. Very secured siyang tao at saka very supportive, alam mo ’yon? Parang wala akong maiisip na bad bone tungkol sa kanya. Ang bait niyang tao. Sobrang bait,” aniya pa.

In fairness, successful ang kanilang relationship kahit na LFR (long distance relationship) ang peg nila. Pero hindi ba siya inaatake ng selos lalo pa’t super gwapo at rich ang guy? “Hindi, parang minsan kasi idya-judge natin ’yong tao, ’yong ganyang itsura chickboy yan. Very far from kung paano ko siya kilala. Kasi grabe ’yong morals niya. Sobrang ang galing nang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang. Respeto.”

Tungkol naman sa kasal, paano kung mag-propose na sa kanya si Miguel? “Am I ready? Manood muna tayo ng NightShift. Ha-hahaha! We’ll see. Ang daming pwedeng magbago, e. So, ayaw kong pangunahan.”

Showing na ang “NightShift” sa Jan. 22 mula sa Viva Films at Aliud Entertainment, directed by Yam Laranas. Tungkol ito sa isang medtech na graveyard shift sa morgue ng hospital. Dito masasaksihan niya ang tila muling pagkabuhay ng mga bangkay sa kanyang paligid kaya gagawin niya ang lahat para malaman ang misteryong bumabalot dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending