Pansamantala mang isinara ang Concha’s Garden resto sa Tagaytay ni Alden Richards dahil sa Taal volcano eruption ay patuloy pa rin itong nakakatuwang ng pamilya ng aktor para sa kanilang relief operations.
Pero sa halip na manahimik na lang, ginawa itong donation house nina Alden para sa gustong tumulong sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.
Ipinost ng Asia’s Multimedia Star sa kanyang Instagram page ang mga bagay na puwedeng i-donate. Eh, kahit nangangalap siya ng donasyon, may pansarili rin siyang ibinibigay na tulong, huh!
Sa totoo lang, hindi ang tulad ni Alden ang pabida sa mga taong natulungan. Hindi niya nakasanayan na ipamalita ang ginagawang pagtulong lalo na sa panahon ng kalamidad at trahedya.
Sa ngayon, tumulong o hindi ang mga artista, babanatan ka pa rin ng mga basher na iilan lang naman ang followers.
Meaning sila ang mga trolls na gumawa lang ng fake account sa social media para makapanira lang ng kapwa.
Kaya sa lahat ng mga kababayan natin, huwag basta maniniwala sa mga nababasa n’yo sa internet at socmed. Check-check din pag may time para hindi mabiktima ng fake news.