SAMPAL sa mga mapagsamantalang Pinoy ang pagpapadala ng face masks ni former Pinoy Big Brother housemate Fumiya Sankai.
Nasa Japan si Fumiya at nakarating sa kanya ang kuwento ng maraming victims ng pagsabog ng Taal volcano. Sobrang naantig ang puso nito kaya naman nagpasya siyang bumili ng face masks at ipadala iyon sa Pilipinas. Sa kanyang YouTube vlog, ipinakita ni Fumiya ang matinding concern sa mga biktima ng pagputok ng bulkan.
“I’m here in Japan di ’ba? And then kahapon, I saw some news. The Taal volcano is like (tunog ng pagsabog). I saw the picture, madami ash. I want to do something pero I’m here in Japan so I will buy face masks. Let’s go!”
“I bought face masks. This is para sa Team Filipino! Kasi when I got sick, many people prayed for me that’s why it’s my turn. I will pray for Philippines,” say ni Fumiya sa isang video as reported by a website.
With that, maraming Pinoy ang nagpasalamat sa former PBB housemate na kasalukuyang nagpapagaling mula sa kanyang operasyon sa katawan.
“You have a golden heart. GOD bless you FUMIYA.”
“Thank you Fumiya more blessing for your kindness God bless you.”
“This foreigner spent money for his flight. Our countrymen profited of the calamity to gain money.”