Horoscope, January 16, 2020 | Bandera

Horoscope, January 16, 2020

Madam Sophia |January 16,2020
facebook
share this

Horoscope, January 16, 2020

Madam Sophia - January 16, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2020 lakas ng loob ang magiging susi na magbubukas ng malalaking pagwawagi. Maraming magagandang oportunidad na darating at kapag ito ay iyong sinugod tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Sa lovelife, lalong iinit ang nanlalamig na relasyon. Markahan ang 2, 16, 25, 34, 43 at 48. Blue at red ang buenas. Swerte sa initial na B. at D.
Aries – (Marso 21-April 19) – Mapapasa iyo ang tagumpay sa taong ito ng 2020, basta’t ikilos lang ang anomang balakin sa isipan. Sa negosyo, aksyon agad ang dapat. Sa lovelife, hindi ka magiging maligaya kung laging may takot sa iyong puso, lakas ng loob ang kailangan. Markahan ang 4, 19, 29, 33, 40 at 45. Pink at lilac ang buenas. Swerte sa initial na P. at D.
Taurus – (April 20-May 20) – Sa taong ito ng 2020 wag hayaang manaig ang damdamin! Upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa lovelife, habang tumatagal, tuloy-tuloy na ang isang masaya at mas mainit na relasyon. Markahan ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Green at black ang buenas. Swerte sa initial na W. at R.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa pinansyal, sa biglaang desisyon at aksyon mas maraming suwerte ang makakamit. Sa lovelife, ngayong Year of the Rat, lalong iinit ang pagmamahalan. Markahan ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Lilac at pink ang buenas. Swerte sa initial na G. at U.
Cancer – (June 22- July 22) – Sa taong ito ng 2020 magbubukas sa iyong harapan ang pintuan ng langit. Ito ang panahon na puwede kang humiling ng kahit ano, at siguradong matutupad. Bilang pasasalamat anumang matupad sa mga hiniling mo, tumulong kang lagi sa mga mahihirap at kapos palad. Markahan ang 6, 9, 23, 29, 33, at 48. Blue at gray ang buenas. Swerte sa initial na M. at B.
Leo – (July 23 – August 22)- Ituloy lang ang pagpapakumbaba at pagiging mabait. Nakikita ng langit ang kabutihan ng iyong puso at sa taong ito ng 2020 tatanggapin mo na ang iyong gantimpala – isang napakalaking suwerte ang biglang darating. Sa lovelife tuloy-tuloy pa rin ang mainit na pakikipagrelasyon sa isang nilalang na medyo kayumanggi ang kulay ng balat. Markahan ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Green at golden yellow ang buenas. Swerte sa initial na I. at L.
Virgo – (August 23 – September 22)- Sa taong ito ng 2020 isa-isa ng matutupad ang lahat ng mga plano mo sa buhay. Kapag kumita ng malaking halaga, unahin ang pagse-savings at wag na wag sasayangin ang pera sa mga walang kabuluhang bagay. Sa lovelife, habang buhay na mananatiling tapat ang kasuyo kaya ingatan mo ang kanyang pagmamahal at wag na wag mo siyang sasaktan. Markahan ang 5, 18, 23, 37, 43 at 47. Red at white ang buenas. Swerte sa initial na S. at N.
Libra – (September 23-October 23)- Negosyong may kaugnayan sa pagkain ang iaalok ng isang kaibigan, upang kumita ng malaking halaga – sunggaban agad! Sa lovelife, magte-text, ang kasuyo – na mi-miss ka na naman niya, puwede ka ng makipagkita kahit hindi pa dumarating ang Araw ng mga Puso! Markahan ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Gray at yellow ang buenas. Swerte sa initial na P. at A.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Simulan ang 2020 ng may malinis na puso. Batiin na ang mga kagalit. Kapag lagi kang masaya mas mabilis na madodoble ang kinikita. Sa lovelife, nakapagtatakang kahit lagi mong pinapagalitan ang iyong kasuyo lalo namang siyang sumusunod at nahuhumaling sa iyo. Markahan ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Orange at blue ang buenas. Swerte sa initial na E. at C.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa negosyo, laging sabihin sa sariling: “Kikita ako ng malaking halaga! Kikita ako ng malaking halaga! Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, yon nga ang talaga at totoong mangyayari ngayong taong 2020. Markahan ang 6, 17, 23, 25, 35, at 40. Violet at magenta ang buenas. Swerte sa initial na C. at S.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Sa taong ito ng 2020 may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Wag ng magdalawanbg isip pa, sunggaban agad. Sa lovelife, isang tigang na Cancer ang magpapasin sa iyo, hanggang sa tuluyang mabuo ang isang matimyas at masarap na relasyon. Markahan ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na A. at N.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Hangga’t hindi nalilimot ang nakaraan, magiging alipin ka ng kasawian. Ang Bagong Taon na ito ang pinaka-mabuting simula upang limutin na ang kahapon. Tanggalin mo na rin sa iyong buhay ang mga kaibigang plastic at tsinitsismis ka lang. Sa pagbabagong buhay, susuwertehin ka na! Markahan ang 4, 13, 22, 28, 35, at 49. Yellow at white ang buenas. Swerte sa initial na J. at F.
Pisces – (February 19 – March 20) – Sa taong ito ng 2020 magsimula ka ng bago! Bagong pangarap at bagong ambisyon ang dapat. Baguhin mo na rin ang kundisyon ng iyong isipan na mabagal kumilos at makupad. Kapag naging mabilis ka ngayong taong ito, mabilis ka ring uunlad at yayaman. M Markahan ang 2, 10, 19, 28, 31, at 49. Green at beige ang buenas. Swerte sa initial na K. at D.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending