MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ako po ay isang dating teacher sa private school. Three years din po ako na nagturo pero parang napagod ako. Sa ngayon po ay nagsa-sideline na lamang ako sa isang company na may P15,000 na sweldo every month.
Ang problema po ay nag-stop ang payment ko sa PhilHealth at SSS. Ano po kaya ang dapat kong gawin dahil gusto ko po sana na maipagpatuloy ang pagbabayad ko sa PhilHealth at SSS? Maaari ko rin po ba na sabihin sa trabaho ko bagaman hindi naman ako regular employee na bayaran ang aking Philhealth at SSS contribution then ibawas na lang sa sweldo ko? Sana ay masagot po ninyo ang aking katanungan.
Salamat po
eto po Philhealth number ko
: 02…
***
Under the UHC Law, nasa direct contributor na po kayo. Ibig sabihin, ay may kakayahan kamg magbayad ng premium.
Depende po sa monthly income n’yo ang ibabayad so kung nasa P15,000 a month x 3 percent po bale nasa P450 a month po ang inyong monthly premium. Mas maganda na tumawag po muna kayo sa PhilHealth Action Center Hotline sa (02) 8-4417442 o kaya magsadya sa pinaka malapit na opisina ng PhilHealth para mag-update po ng inyong membership data record.
Bagaman may pagtataas ng premium sa PhilHealth, ang magandang balita naman po sa bagong batas na UHC ay lahat na ng Pilipino ay covered at maari na nilang magamit agad dahil ang polisiya ngayon ay “immediate eligibility” na sa paga-avail ng PhilHealth benefits sa oras ng pagkakasakit at pagkakaospital.
***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq
SSS, PhilHealth contribution
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...