KOREAN word of the week: “Sajaegi” – Sa English ito’y “panic buying”. Nangangahulugan din itong “chart manipulation” o ang pagbili ng isang kompanya sa sarili nilang album upang mapataas ang kanilang ranking sa music charts.
***
Magsasama sa unang pagkakataon ang Korean superstar na si Park Seo Joon at ang sikat na singer-actress na si IU sa upcoming movie na “Dream” na mapapanood na sa Oktubre.
Mismong ang agency ni IU na KakaoM ang nagkumpirma sa pagtatambal ng dalawang Korean stars sa “Dream” na ididirek ni Lee Byung Hun, na siya ring nasa likod ng hit film na “Extreme Job” at Korean drama na Melo Is My Nature.
Iikot ang kuwento ng “Dream” sa isang grupo na nais mapasama sa Homeless World Cup, isang taunang international soccer event. Gaganap si Seo Joon bilang Yoon Hong Dae, ang coach ng team habang isang professional soccer player naman si Hong Dae na sumasailalim sa disciplinary probation dahil sa isang hindi inaasahang insidente.
Samantala, wala pang detalye kaugnay ng magiging role ni IU bilang female lead.
Kabilang sa mga hit series ni Seo Joon ang Kill Me, Heal Me (2015), She Was Pretty (2015), Hwarang: The Poet Warrior Youth (2016–2017), Fight for My Way (2017), at What’s Wrong with Secretary Kim (2018). Napanood naman si IU sa You’re the Best, Lee Soon-shin, Pretty Man, The Producers, Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, My Mister at Hotel del Luna.