outbrain

Vice umaming pinagselosan si Catriona: Ang dami-dami nilang picture ni Ion!

By Alex Brosas January 14,2020
share this

Vice umaming pinagselosan si Catriona: Ang dami-dami nilang picture ni Ion!

By Alex Brosas January 14,2020
share this

ION PEREZ, VICE GANDA AT CATRIONA GRAY

Grabe ang “Sagot o Lagot” segment ng Gandang Gabi, Vice last Sunday.

Kung hindi sasagot sa tanong ang mga guest ay Lagot ang pipiliin nila at gagawin ang isang challenge.

Pinili ni Vice Ganda for Donny Pangilinan ang “i-wax ang buhok sa isang binti.”

“Sinong artista ang sino-zoom mo sa Instagram kapag tinitingnan mo ang sexy pose?” tanong ni Vice kay Donny na mas piniling magpa-wax.

“Gusto n’yo talaga sumagot ako? Lagot,” say ni Donny.

Nagulat ang lahat dahil hindi man lang umaray o nasaktan si Donny after waxing, “Manhid na ako,” he said.

“Nasubukan mo na bang manligaw habang may dyowa ka pa,” Vice asked.

“Hindi” ang sagot ni Robi.

Natanong naman si Vice kung sino ang huling artistang pinagselosan niya. Pinili ni Vice ang Sagot kaya naman nagpaliwanag siya.

“Si Catriona (Gray). Sunday ng gabi, sa Twitter pagbukas ko nagkalat ang picture nilang dalawa ni Ion, ang dami. Wala lang naman, katsika ko naman si Catriona. Pero ang dami. Nainis ako at some point, hindi ko alam.
“Tinanong ko sa kanya, kailan ‘to?’ ‘Ay ano pa ‘yan, kapapanalo ko lang ng Mr. Chuchuchu, hindi pa ako nagso-Showtime. Tapos may nakita uli ako, ibang lugar naman saka ibang…’Ba’t ang dami?

Kunyari, ako papa-picture ako kay Catriona, sa unang pagkikita namin, pero tuwing magkikita kayo magpa-picture kayo?”

When asked kung sino ang pinagpapantasyahan niya, si Catriona Gray ang sagot ni Donny, “Sobrang ganda niya, ng katawan niya!”

“Kung wala kang dyowa, sa lahat ng naging ex mong personality, sino ang pinakapuwede mong balikan,” tanong kay Vice.

“Alam mo, nag-promise kao, feeling ko pangmatagalan na ito kaya kapag hindi nag-work, last na ito. So, Lagot,” say ni Vice kaya naman inilagay sa kanya ang diaper.

Sa dalawang tanong ay Lagot ang isinagot nina Robi at Donny kaya naman pinaghubad sila ng pang-ibaba nilang suot kaya na-reveal ang suot nilang boxers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending