Sulat mula kay Kristina, ng Barangay Dadiangas East, General
Santos City
Dear Sir Greenfield,
Minsan lang akong nagka-boyfriend at sa umpisa pa lang ay nakutuban oo na hindi patungo sa seryoso ang relasyon kaya isang bawan pa lang kami ay nagkahiwalay na. Ngayon, mahigit isang taon na akong walang boyfriend. Heto, papalapit na naman ang mahalagang araw sa buhay ko, tila magiging malungkot ako sa araw na dapat ay nagsasaya ako. Gusto kong malaman kung magkaka-boyfriend ba ako bago sumapit ang mahalagang araw na ito nang sa gayon ay hindi ako luluha.
Umaasa,
Kristina, ng Barangay Dadiangas East, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda, na sa malapit na hinaharap, maaari isa o dalawang buwan lang ang lilipas, sigurado ang magaganap – bigla kang magkaka-boyfriend!
Cartomancy:
Ace of Hearts, Two of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagpasok na pagpasok ng ikatlong linggo, isang lalaking nagtataglay ng initial na A.B. ang magiging boyfriend mo.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.