HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Pinoy all-male group inspired by K-Pop culture na SB19 na sikat na sikat na sila.
Grabe ang init ng pagtanggap ng madlang pipol sa grupo na kinabibilangan nina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin na kahit anim na buwan pa lang kumakanta ay gumawa na agad ng kasaysayan sa music industry.
Ang latest achievement ng SB19 ay ang pagiging trending ng kanilang latest single na “Alab” na hit na hit na ngayon hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Nang i-release ang official music video ng “Alab” mula sa Sony Music Philippines, napakabilis na umabot sa top trending topic sa Twitter ang hashtag #SB19ALABMV.
Ilang araw lang matapos i-launch ang danceable hugot song ng SB19, nakakuha na ito ng mahigit 800,000 views sa YouTube. Marami kasi ang naka-relate sa kuwento ng “Alab” na tumatalakay sa “romantic attraction” na ikinukumpara sa lagablab ng apoy.
At dahil sa matinding suporta ng mga A’TINs (tawag sa fans ng grupo), dalawang beses gumawa ng history ang SB19 matapos makapasok sa dalawang charts ng music publication na Billboard.
Ang una ay ang pagkakasali nila sa Next Big Sound chart (artists with fast-rising popularity) at ang Billboard Social 50 chart, which ranks the most popular artists across social media platforms.
Dito tinalo nila ang ilang kilalang Hollywood stars at mga sikat na K-Pop group. Sinundan nila sa listahan ang international star na si Mariah Carey.
Sa nakaraang mediacon ng SB19 para sa launching ng “Alab”, inamin ng mga miyembro ng grupo na nagulat sila sa bilis ng kanilang pagsikat. Kasabay nito ang abot-langit na pasasalamat nila sa kanilang fans all over the universe.
“Hindi rin po namin in-expect na ganu’n kagrabe ‘yung mangyayari sa amin na kami ang first Filipino na nakapasok sa list. We’re thankful kasi hindi po ito mangyayari kung hindi dahil sa fans namin, sa A’TIN, kasi they’re very active sa social media,” pahayag ni Justin.
Sey naman ni Josh, “Sila ang dahilan kung bakit nandito kami. Hindi namin mararating ito kung hindi dahil sa kanila. Kasama namin sila sa bawat achievement at pagkilala na ibinibigay sa amin.”
Pero sa kabila ng tinatamasa nilang kasikatan, nananatili pa ring mapagkumbaba ang bawat miyembro ng SB19. Nakatapak pa rin sila sa lupa sa kabila ng kanilang kasikatan.
Ayon kay Ken, “Sa group po namin mas pino-focus namin na ‘yung feet namin on the ground po. Hindi namin inilalagay sa isip namin na ganu’n (sikat) na kami. Simple pa rin po kami.”
Ayon naman kay Josh, normal pa rin ang takbo ng kanilang buhay sa kabila ng tinatamasa nilang tagumpay. Hindi rin daw nila iniisip na sikat na sila, sa katunayan sumasakay pa rin sila ng jeep at MRT hanggang ngayon.
“Wala naman po masyadong nagbago sa buhay namin, nagdyi-jeep pa rin naman kami, sumasakay pa rin kami ng MRT,” ani Josh.
Pero dahil sikat na nga sila, marami na ang nakakakilala sa grupo kaya nagkakagulo na rin kapag nakikita sila sa mga public places.
Ibinalita rin ng grupo na baka masundan agad ang kanilang first major solo concert noong 2019 na nag-soldout ang ticket sa loob lang ng 3 minutes.
Bukod dito, bibida rin ang SB19 sa annual UP (University of the Philippines) Fair concert kung saan makakasama rin nila ang mga kilalang OPM singers kabilang na si Ebe Dancel at ang Up Dharma Down.
Sa mga nagtatanong naman kung bakit A’TIN ang tawag sa fans ng grupo, paliwanag ni Sejun, “Kasi po SB19, kaya ‘A’TIN.’ Iyon po ang pinaka-meaning kasi, 18, 19, kumbaga sila muna bago kami. Kung walang 18, walang 19, hindi darating sa 19.
“‘Yung spelling din po A’TIN, kapag binasa mo po siya in Filipino or in Tagalog, inserts as ‘atin’ ‘to.”