HOROSCOPE August 3, 2013 | Bandera

HOROSCOPE August 3, 2013

Madam Sophia - August 03, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang nagiging makasarili lulungkot lalo ang buhay. Sa pag-ibig, ishare sa kasuyo ang anomang biyayang natatamo. Mas uunlad at mas magiging maligaya  kung patuloy na magbibigay ng palihim sa mga taong kapos palad. Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Beige at pink ang buenas.   
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pag-ibig, iwasan ang madalas na pagpe-Facebook mag-ukol ng panahon sa kasuyong kulang sa romansa. Imbis na kung ano-anong walang kabuluhang bagay ang ginagawa, mag-isip kung paano madadagdagan ang kinikita. Mapalad ang 7, 9, 29, 37 40 at 46.  Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva.”  Pink at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Mag-concentrate sa dalawang bagay lamang: Pagpapayaman at pamilya. Iwasan ang lipunan at pamomolitika. Sa pag-ibig, tandaan mo kapag marami kang pera, ito ang magbibigay ng dagdag na saya sa buhay mo at sa iyong pamilya. Mapalad ang 3, 7, 21, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla.” Lilac at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi dapat pang hinaan ng loob. Kung patuloy na lalaban at makikihamok, tuloy-tuloy ka ring yayaman. Sa pag-ibig, wag ka ng umarte pa, tanggapin ang alok na pag-ibig ng isang Libra.  Mapalad ang 8, 16, 25, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Aum Savitre.” Silver at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  ‘Wag mag-kunwari! Hindi na uso ang plastic ngayon! Ilabas ng bukal sa puso ang anomang nararamdaman. Sa negosyo, laging maging tapat sa kausap. Sa pag-ibig, wag ng paglihiman ang kasuyong mausisa. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Gray at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Tuloy ang dating ng maraming pera. Umpisahan na ang pagiipon. Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Aries ang laging taya, sumama ka lang ng sumama.  Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)–Tanungin ang sarili: “Anoang higit na mas mahalaga, ang lipunan  o ang pamilya?” Pamilya ang dapat mauna, upang habang buhay na umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Yellow at gold ang buenas.
Libra  (September 23-October 23)— Iwasan ang pagbigla-biglang desisyon! Wag bili ng bili ng kung ano-ano bagay na hindi naman kailangan. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na kung paano paliligayahin ang malalapit sayong puso sa darating na kapaskuhan.  Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om.” Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Hindi mo ba naiisip kaya mo ring paunlarin ang iyong sariling kabuhayan? Hindi yong “aso ka lang ng aso” at pasunod-sunod kung kanikanino. Tumintig kang mag-isa sapagkat sa sarili mong diskarte ka uunlad at habang buhay na liligaya. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sarva-Dushta-Om.” Green at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— May kokontra na naman sa binabalak, wag magpadaig sa iba! Kung papairalin ang tigas ng loob mas malaking halaga ang kikitain. Sa pag-ibig, masatisfied na sa minsanang pakikipag-date sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 1, 5, 22, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Blue at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Tandaang ang pagtitiyaga ang susi upang nagtagumpay. Sinop-sinop lang ag pormula upang yumaman. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa  mapapahinuhod mo rin sa iyong kagustuhan ang kasuyo Cancer. Mapalad ang 2, 8, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Narada-Om”. Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—      Hindi kana nadala, bakit nakikipag transaksyon ka na naman sa mga walang kuwentang tao? Iwasan ang isang nilalang na laging nagpapaluha sayo. Sa negosyo, wag ng magpaloko sa isang pandak na mataba, sakang lumakad at madakdak. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Ujalam-Avayara-Om.” Blue at silver ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Makuntento sa kasalukuyang buhay. Wag nang mag-experimento ng kung ano-anong negosyo na hindi naman nagki-click. Sa pag-ibig, may mas mahalaga kaysa sa salapi,  ang buo at masayang pamilya. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Dosya-Om.” Gray at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending