outbrain

Horoscope, January 14, 2020

By Madam Sophia January 14,2020
share this

Horoscope, January 14, 2020

By Madam Sophia January 14,2020
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito laging magpasalamat kay Lord upang lalo pang sumagana ang kabuhayan at madoble ang mga biyayang natatangap. Sa lovelife, kahit hindi perpekto ang kasuyo, mahalin pa rin siya ng tapat at lubos. Markahan ang 5, 16, 23, 35, 41 at 49. Silver at blue ang buenas. Swerte ang initial na G. at S.
Aries – (Marso 21-April 19)-Sa taong ito ng 2020 tuloy-tuloy ang dating ng suwerte. Sa pinansyal, lalong lalago at darami ang kinikita habang lumalamig ang panahon. Sa lovelife magiging mapalad, at maligaya, hangga’t nakakaya pang iwasan ang mga tuksong dumarating. Markahan ang 6, 18, 27, 33, 43, at 48. Pink at red ang buenas. Swerte ang initial na V. at R.
Taurus – (April 20-May 20)- Sa taong ito ng 2020 sa produktong pagkain kikita ka ng malaking halaga. Sa lovelife, paghandaan ang susunod na pakikipag-date sa kasuyong katakamtakam at masarap romomansa. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 36 at 42. Maroon at green ang buenas. Swerte ang initial na B. at S.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa taong ito ng 2020 higit sa inaasahan ang mga biyayang matatanggap. Lagi mong unahan sa pagising ang bagong araw sa umaga. Sa buwan ng Pebrero biglang madodoble ang kinikita. Sa lovelife, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadarama ng kasuyong balingkinitan ang pangangatwan. Markahan ang 5, 14, 27, 34, 41, at 48. Lilac at purple ang buenas. Swerte ang initial na M. at H.
Cancer – (June 22- July 22)-Sa taong ito panatiliin ang kapayapaan ng isip at kalooban. Sa payapang kaisipan mas maraming biyayang matatangap sa pagbunga ng buwan ng Pebrero. Sa lovelife, matatagpuan ang true love sa isang tahimik na lugar. Markahan ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Green at violet ang buenas. Swerte ang initial na L. at S.
Leo – (July 23 – August 22)- Tuloy-tuloy na tatabo ng malalaking halaga, panahon na upang mag-ipon upang lalo pang dumami ang savings. Sa lovelife, isang Aries ang lihim na nagnanasa sa iyong kagandahan. Markahan ang 4, 10, 25, 32, 40 at 45. Yellow at black ang buenas. Swerte ang initial na G. at A.
Virgo – (August 23 – September 22)-Sa taong ito ipriority ang pamilya at career, sa ganyang paraan magtatagumpay ka na at patuloy na magiging maligaya ang iyong pakiramdam. Sa pag-ibig panahon na upang kalimutan ang isang illicit love affair na matagal mo na rin namang pinagpasasaan. Markahan ang 1, 9, 14, 23, 27 at 45. Blue at silver ang buenas. Swerte ang initial na R. at W.
Libra – (September 23-October 23)-Kung talagang mahal mo ang iyong kasuyo hindi mo siya dapat bigyan ng sama ng loob! Sa pag-ibig at pinansyal, kung lagi kayong magkasundo ng iyong minamahal, mas maraming biyaya ang ihuhulog ng langit sa inyong harapan. Markahan ang 3, 18, 21, 28, 37, at 48. Magenta at lilac ang buenas. Swerte ang initial na F. at A.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Sa pinansyal, sayang ang kikitain, kung patuloy kang magtatamad-tamaran. Tandaan mong “Ang oras ay may katumbas na malaking halaga ng salapi.” Sa lovelife, sipagan at dagdaga pa ang pakikipag-communicate sa kasuyo upang hindi siya mawala sa buhay mo. Markahan ang 7, 11, 29, 32, 41 at 46. White at green ang buenas. Swerte ang initial na Z. at B.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa taong ito ng 2020 ugaliing magusot ng kulay na red. Sa ganyang paraan, sa buong taong ito ng 2020 mas madali mong mahihigop ang suwerte at magandang kapalaran. Sa lovelife mataas na at malaking iskor ang ipalalasap sa iyo ng iyong kasuyo. Markahan ang 3, 9, 27, 33, 42 at 48. Bukod sa red, ang pink din ay buenas. Swerte ang intial na C. at N.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Sa taong ito ng 2020 sa mga kaibigan ka huhugot ng lakas at ng kakaibang suwerte. Kaya naman ang pagdadagdag ng kaibigan ay dapat ng isagawa. Sa lovelife, mahalin pang lalo ang kasuyong Taurus, siya ang lagi ng aagapay sa iyong mga pangarap at ambisyon sa buhay. Markahan ang 1, 13, 23, 34, 40 at 48. Orange at blue ang buenas. Swerte ang intial na R. at I.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Kung ang iba ay sinusuwerte dahil sa mga kaibigan at kasama sa buhay, ang sa iyo ay kakaiba, kahit wala kang gaanong mga kaibigan at kasama sa buhay, sa taong ito ng 2020 ang kakaibang suwerte ay bubuhos sa iyong harapan. Sa pag-ibig kakatok na sa iyong puso ang isang nilalang na matagal mong hinihintay – papasukin mo siya!. Markahan ang 4, 16, 25, 34, 42 at 49. Pink at beige ang buenas. Swerte ang initial na M. at T.
Pisces – (February 19 – March 20)- Gawin mong lahat ang bawat maibigan mo. Nanood ang langit, handa nang ipagkaloob sa iyo ang lahat ng iyong mga hiling at mga pinapangarap sa buhay. Sa lovelife, ang madalas na pakikipag-romansahan sa kasuyo ay magbibigay din ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran sa taong ion g 2020. Markahan ang 9, 27, 33, 39, 40 at 49. Green at blue ang buenas. Swerte ang initial na E. at S.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending