MARIAN ilusyunada, ipinagyabang na pinag-aagawan ng mga TV NETWORKS

NATATAWA na lang ang mga netizens sa isyung pinag-aagawan daw si Marian Something ng mga networks. Ang chismis, meron daw interview itong si Marianita wherein she intoned na two networks are trying to outbid each other para makuha siya. Parang pinalalabas na pinag-aagawan siya ng Singko at Dos.

Never naming narinig na naging interesado ang ABS-CBN kay Marianing. It was obvious na ang Singko ang merong interest na kunin siya, at tila nasimulan na nila ang pangungumbinse when Marian dined with TV5 boss Manny Pangilinan.

“ABS interesado kay marian?.. pwe! walang bAlak ang aBs na kunin xa, nO..in faCt sila pa nga ang kumuha sa star cinema para mag release ng kanilang mOvie,” pananaray ng isang hindi na makapagpigil sa chismis na interested ang Dos kay Marianing.

Nagre-react na rin ang fans ni Marianita sa isang blind item ng isang very popular blogger. Ang feeling nila kasi ay ang idol nila ang subject ng nasty rumor about a star na walang takot na nagtaray sa isang reporter.

Parang pinagsasabong daw kasi ng reporter ang isang aktres laban sa isang karibal nitong female celebrity. Hindi pa doon nagtapos ang pananaray raw ng reporter dahil sinabihan daw nito ang aktres na flop ang last movie nito.

But the actress was not shaken by the reporter’s claim. Itinodo na raw nito ang pagtataray at sinabihan ang reporter na magdahan-dahan siya sa pananalita dahil baka alisin niya ito sa kanyang payola.

Ayun, naloka ang reporter. Si Marianita nga ba ang subject ng nasty blind item? Nakakatawa ang mga IDIOT fans. Basta may nasulat na hindi maganda sa kanilang idolo ay talagang galit na galit sila at kung anu-anong paninira ang kanilang ginagawa.

Hindi nila matanggap na ang kanilang idolo ay meron din namang side na hindi rin naman kagandahan. No one’s perfect.
Merong kunyari sweet pero sex addict pala.

Meron namang mabait at ‘di makabasag-pinggan pero balahura pala. Ang nakakaloka pa, bulag ang mga fantards na ito sa mga flaws ng kanilang idolo. They refused to believe na their idol is capable of doing something which can be shocking.

( Photo credit to Google )

Read more...