SA kabila ng kanyang super busy schedule, napapayag ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na umapir sa latest iWant series na “My Single Lady”.
Ito’y pagbibidahan at ipinrodyus ni Jodi Sta. Maria under Dreamscape Digital and B617, kung saan makakasama niya sina Zanjoe Marudo at Ian Veneracion, sa direksyon ng kilalang indie director na si Carlo Catu.
Yes, producer na rin si Jodi at aminado siyang napakahirap din ng mga ganap ng isang produ dahil lahat ng concerns ng production ay kailangan niyang solusyunan, idagdag pa na siya rin ang lead star sa project.
“I’ve been wondering if there’s more to life than just being an actor so binalak ko ngang mag-produce. I’m the type of person who likes to venture into things na I’ve never done before as it gives me a different kind of challenge.
“But my plan was mag-aral muna para maging ready ako. Kaso, dumating na nga itong ‘My Single Lady’ from Direk Carlo and I got excited, but at the same time, kinakabahan din because I’m embarking on a new role. So now, I’m happy I was able to help create more jobs for other people,” lahad ni Jodi sa nakaraang presscon ng “My Single Lady”.
Ito’y kuwento ni Chona, isang single mom sa kanyang 6-year-old na anak (Ynigo Delen) at super fan ni Regine Velasquez. Ang beki kasing nagpalaki sa kanya ay kilalang impersonator ng Songbird.
Kaya naman sa trailer pa lang nito ay gamit na gamit na ang mga kantang pinasikat ni Regine. Tinanong si Jodi kung mapapanood din ba ang Songbird sa “My Single Lady.”
“Yes po. She’s a gay icon and siya lang talaga ang babagay rito sa show. I got her number and sent her a message if I could call her. At first, ayaw niyang maniwala. She said, sinong Jodi ito, si Judy Ann (Santos)? Sabi ko si Jodi Sta. Maria.
“Then I asked kung puwedeng makipag-meeting sa kanya. Pinuntahan namin siya sa bahay nila and presented the project to her. Sabi ko, hindi ka puwedeng hindi umoo rito dahil para talaga sa ‘yo ito.
“Lumaki kasi ‘yung character ko, si Chona, na ang alam talaga, si Regine ang nanay niya. Pati mga kanta niya, gagamitin namin dito. Sabi niya, ‘ewan ko sa inyo kung bakit santo ang tingin nyo sa akin.’
“But in the end, napapayag din namin siya at inayos niya talaga ang schedule niya so she can shoot with us. We used many of her songs at hindi mura ang pagbili namin sa rights nito but okay lang, sa ikagaganda ng show,” chika ng singer-producer.
And yes, si Regine ang gaganap na nanay ni Jodi sa serye, “Opo, she will play the impersonator of herself. Kaya sobrang thankful kaming lahat na pumayag siya.”
Ka-join din sa pinakabagong handog ng iWant sina Carla Martinez, Iyah Mina, Brenda Mage at ang transgender na si Vitex Paguirigan.
Mapapanood na nang libre ang “My Single Lady” sa iWant app or iwant.ph simula sa Jan. 22, with six episodes. At kung magiging mainit at maganda ang pagtanggap ng viewers dito, asahan na ang pagdating ng season 2.
Samantala, natanong din si Jodi sa presscon tungkol sa estado ng kanyang lovelife dahil matagal-tagal na rin siyag “single lady”. Ikinasal na nga ang ex-boyfriend niyang si Jolo Revilla.
“Sa season ng life ko ngayon, I have no problem with that. If it’s the Lord’s will for me, I will accept it. I don’t mind remaining single, but I’m not closing my doors,” aniya.
At sa tanong kung ano ang masasabi niya sa pagpapakasal ni Jolo kay Angelica Alita, “Ay, tapos na po ‘yun. Matagal na, kaya huwag na nating pag-usapan.”