Martin waging best actor sa 2020 Asian TV Awards

WAGI ang Kapuso star na si Martin del Rosario sa katatapos lang na 24th Asian Television Awards.

Ginanap ang Asian TV Awards 2020 nitong nagdaang Sabado ng gabi sa Newport Theater sa Resorts World Manila.

Si Martin ang itinanghal na Best Leading Male Performance (Digital) para sa kanyang performance sa pelikulang “Born Beautiful” mula sa IdeaFirst Company.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng kontrabida ni Alden Richards sa Kapuso primetime series na The Gift ang kanyang winning moment.

“Truly honored to receive the Best Leading Male Performance award from the Asian Television Awards – Digital,” ang caption ng aktor sa kanyang IG photo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na idinaos sa Pilipinas ang Asian TV Awards mula noong itatag ito noong 1996.

 

Read more...