Mga adik sa ‘The Gift’ dumarami; magkaka-lovelife pa kaya si Sep?

SPEAKING of The Gift, patuloy namang ginagalit ni Martin ang Kapuso viewers dahil sa kasamaan niya sa serye. Talagang halos isumpa na siya ng manonood sa pagiging kontrabida niya.

Pero gustung-gusto naman ito ng Kapuso award-winning actor dahil ibig sabihin lang nito effective ang ipinapakita niyang akting bilang si Jared, ang kapatid ni Sep na ginagampanan naman ni Alden.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng The Gift, hahamunin nina Lola Char (Elizabeth Oropesa) at Nanay Straw (Jo Berry) si Nadia (Jean Garcia) na isuko na si Jared at hayaan na nitong pagbayaran ang kanyang kasalanan.

Pero hindi basta papayag si Javier (Christian Vasquez) na matalo ng kampo ni Sep, gagawin niya ang lahat para hindi masira ang kanyang plano at para hindi tuluyang mawala sa kanya si Nadia.

Ang tanong, kailan magtatagpo uli ang landas ng mag-inang Sep at Nadia? Bumandera na kaya ang katotohanan ngayong handa na si Nadia na gawin ang lahat para makuha ang loob nina Lola Char at Straw?

O, marami pang hahadlang para mapanatili pa ring lihim ang pagkatao ni Sep? Abangan din ang mga susunod na pangitain ni Sep na mas lalong magpapagulo sa kanyang buhay.

Siguradong marami pang inihandang pasabog ang produksiyon ng The Gift sa mga susunod na episode kaya huwag na huwag na kayong bibitiw. Pero wait lang, magkakaroon pa kaya ng lovelife si Sep? Yan ang dapat n’yong abangan!

Napapanood pa rin ang The Gift mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad after Beautiful Justice, directed by LA Madridejos.

Read more...