Updated: Bulkang Taal itinaas sa alert level 3, evacuation inirekomenda

BUNSOD ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal, itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology ang Alert Level 3 ngayong hapon.

“This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 2 (increasing unrest) to Alert Level 3 (magmatic unrest),” saad ng advisory ng Phivolcs.

Itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 3 ilang oras matapos itaas ang Alert Level 2.

“As of 1404H (2:04 PST), Taal Volcano Main Crater has escalated its eruptive activity, generating an eruption plume 1 kilometer-high accompanied by volcanic tremor and felt earthquakes in Volcano Island and barangays of Agoncillo, Batangas. Ashfall is currently being showered on the southwest sector of Taal,” saad ng Phivolcs.

Ang Alert Level 3 ay nangangahulugan na mayroong magmatic intrusion sa loob ng bulkan na dahilan ng mga aktibidad nito.

Ipinayo ng Phivolcs na magsagawa ng evacuation sa ilang barangay na malapit sa bulkan.

“PHIVOLCS strongly recommends Taal Volcano Island and high-risk barangays of Agoncillo and Laurel, Batangas be evacuated due to the possible hazards of pyroclastic density currents and volcanic tsunami.”

Idineklara rin ng Phivolcs ang buong Volcano Island na isang Permanent Danger Zone at pinalilikas ang mga tao sa “high-risk barangays” ng Agoncillo at Laurel.

“In addition, communities around the Taal Lake shore are advised to take precautionary measures and be vigilant of possible lakewater disturbances related to the ongoing unrest.”

Read more...