Bulkang Taal sumabog, alert level 2 itinaas

ITINAAS sa Alert Level 2 ang Taal Volcano sa Batangas matapos itong sumabog ngayong araw.

Umabot sa 100 metro ang taas ng abo na ibinuga ng bulkan. Kahapon ay tatlong lindol ang naitala ala-7:35 ng umaga, 10:43 ng umaga at 2 ng hapon.

“This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 1 (abnormal) to Alert Level 2 (increasing unrest),” saad ng advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Na-obserbahan umano ng Phivolcs ang pagdami ng steaming activity ng bulkan ala-1 ng hapon kahapon.

Mula noong Marso 28, 2019 ay nakitaan umano ng “moderate to high level of seismic activity” ang Taal kasama rito ang Intensity I (Scarcely Perceptible) hanggang Intensity III (Weak Shaking) na lindol sa mga barangay ng Calauit, Balete, Sitio Tibag, Pira-Piraso, at Buco sa bayan ng Talisay, Alas-as at Pulangbato, San Nicolas, Batangas.

May napansin ding pamamaga sa bulkan mula pa noong Nobyembre 2018.

Mula noong Pebrero 2019 ay napansin din ng Phivolcs ang pagtaas ng dissolved carbon dioxide sa Main Crater Lake ng Taal.

“In view of the above, DOST-PHIVOLCS is now raising the alert status of Taal from Alert Level 1 to Alert Level 2.  This means that there is probable magmatic intrusion that may or may not lead to an eruption.”

Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na bawal pumunta sa main crater ng bulkan dahil sa posibleng steam explosion.

 “The public is also reminded that the entire Volcano Island is a Permanent Danger Zone, and permanent settlement in the island is strongly not recommended.”

Read more...