GRETCHEN kay CLAUDINE: Sa totoo lang, wala na akong pakialam!!!


AYAW nang magsalita pa ni Gretchen Barretto tungkol sa namamagitang kontrobersiya sa pagitan ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto at dating asawa nitong si Raymart Santiago.

Hindi pa rin nagkakaayos sina Greta at Claudine, kaya hangga’t maaari ay ayaw na niyang magkomento tungkol sa kinasasangkutan nitong iskandalo. “Sa totoo lang, wala akong pakialam! Ha-hahaha!”

“Di ba, sabi nila, mind your own business? Saka mahirap, baka maulit yung paglilihis ng kung ano talaga ang problema. I am totally out of that! Kung ano ang problema, I hope people will see it and they deal with it without me.

I have my own business!” litanya ng aktres sa isang interview. Hirit pa ni Gretchen, “So, ganu’n na lang. Tama na! Tigilan na natin. Yeah, let’s stop it.

You know, if you think negative thoughts, negativity will come to me. I don’t want that. Maganda na ang nangyayari. Hayaan na natin para tuluy-tuloy!”

( Photo credit to Google )

Read more...