Pagkontra ni Ai Ai sa same sex marriage kinampihan ng mga moralista

AI AI DELAS ALAS

PINAGTRIPAN ng mga bashers ang Comedy Concert Queen dahil sa kanyang pagsang-ayon sa Supreme Court na pagbabawal sa same sex marriage dito sa ating bayan.

Konbiksiyon ni Ai Ai delas Alas ‘yun, hindi natin mahaharangan ang kanyang opinyon, kung paanong hindi rin naman niya sinasaklawan ang pananaw ng ibang tao.

“Yun ang kanyang pinaninindigan at pinaniniwalaan, isang lalaki at isang babae lamang ang maaaring magpakasal, hindi parehong babae at parehong lalaki.

Kung may mga namba-bash sa sikat na komedyana ay mas marami naman siyang kakamping mga kababayan natin, lalo na ang mga taong-simbahan, sinasang-ayunan ng mga ito ang paniniwala ni Ai Ai.

Saka sanay na siya sa mga ganyang pamba-bash, siya pa ba naman ang mawiwindang sa mga bira ng mga taong walang magawang maayos sa buhay, siya pa ba?

Basta para sa bida ng “D’Ninang,” walang makapagpapabago sa kanyang paniniwala, ‘yun ang kanyang konbiksiyon at paninindigan niya ‘yun.            

Read more...