Ed Caluag bibida sa sariling life story, magdadrama sa #MPK

ED CALUAG

Mapapanood na ang makulay na life story ng controversial paranormal investigator na si Ed Caluag sa weekly drama anthology ng GMA 7 na #MPK o Magpakailanman.

Abangan ang mga eksena ni Ed sa buhay mula sa kanyang pagkabata, pati na ang kanyang hinarap na mga pagsubok bago siya nakilala bilang isang paranormal expert.

Si Ed mismo ang gaganap sa kanyang talambuhay kasama ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona at ang veteran actess na si Ces Quesada.

Pero bago pa man pagbidahan ni Ed ang kanyang life story sa #MPK, nasubukan na rin niyang umarte sa ilang Kapuso shows tulad ng Daig Kayo ng Lola Ko at Daddy’s Gurl.

At ngayong gabi nga abangan ang natatangi niyang pagganap sa sarili niyang talambuhay sa #MPK na may titulong “Sa Aking mga Mata: The Ed Caluag Story.”

Read more...