Good day po. I’m Roland Retiro po from Laguna. Meron po kasi akong gustong malaman regarding sa benefits sa SSS. I’m employed po sa isang private company at mag-three years na po ako this coming July. Naaksidente po ako last March 15 pero hindi po siya oras ng trabaho nangyari. Sa aksidente po ay naputulan po ako ng daliri sa paa (hinlalaki). Qualified po ba ako sa mga benefits sa SSS kahit hindi po ako naaksidente sa oras ng trabaho? Meron din po kasi akong mga na-fill up na forms sa SSS– ‘yung reimbursement form at SSS sickness notification form. Ano po ba din ang disability benefits? Sa July pa rin po ako magiging three years po sa SSS.
Roland from Laguna.
REPLY:
Qualified siya sa sickness benefit para sa hospital confinement. Ang claim
para sa benepisyo ay dapat i-file sa loob ng isang (1) taon mula sa petsa ng paglabas sa ospital. Para sa home confinement, ang claim para sa reimbursement ng employer ay dapat i-file sa loob ng isang (1) taon mula sa umpisa ng pagkakasakit. Ang hindi pag-file ng claim sa takdang panahon ay hahantong sa pagbawas sa halaga ng benepisyo o pag-deny ng SSS sa claim.
Anu-ano ang mga forms para sa Sickness Benefit Application (SE/VM/Miyembrong Nahiwalay sa Trabaho)
1. SicknessBenefitApplicationForm
2. SS card ng miyembro o iba pang valid ID cards/documents gaya
A. Pangunahing (Primary) ID cards/dokumento
B. Alinmang government issued ID cards/dokumento
3. Kung inihain ng miyembro, ipakita ang orihinal ng isa (1) sa alinmang primary ID cards/documents o dalawang (2) secondary ID cards/documents na parehong may lagda at ang isa ay may larawan.
4. Kung isinumite ng kinatawan ng miyembro, ipakita ang sumusunod:
Orihinal ng isa (1) sa alinman sa primary ID cards/documents o dalawang (2) secondary ID cards/documents ng awtorisadong kinatawan ng miyembro, na parehong may lagda at ang isa ay may larawan
Orihinal ng isa (1) sa alinman sa primary ID cards/documents o dalawang (2) secondary ID cards/documents ng miyembro, na parehong may lagda at ang isa ay may larawan
5. Para sa mahabang pagkakasakit o pagkakaratay sa ospital, isumite ang orihinal/certified true copy ng mga sumusunod:
Laboratory, X-ray, ECG at iba pang diagnostic results
Operating room/clinical records na sumusuporta sa naging
6. Ipakita ang orihinal/certified true copy at isumite ang photocopy ng mga sumusunod na dokumento, kung kailangan:
Note:
Para sa SE at VM (dating empleyado)
1. Kung ang confinement ay naganap sa panahon ng pagtatrabaho o bago ang petsa ng pagkakahiwalay sa trabaho
− Certificate of Separation from Employment kung saan nakasaad ang petsa ng pagkakahiwalay sa trabaho at walang paunang bayad na natanggap ang miyembro, dapat na pirmado ng awtorisadong kinatawan ng employer na makikita sa SS Form L-501
Para sa Miyembrong nahiwalay sa Trabaho
1. Kung ang confinement ay naganap sa panahon ng pagtatrabaho o bago ang petsa ng pagkakahiwalay sa trabaho
− Certificate of Separation from Employment kung saan nakasaad ang petsa ng pagkakahiwalay sa trabaho at walang paunang bayad na natanggap ang miyembro, dapat na pirmado ito ng awtorisadong kinatawan ng employer na makikita sa SS Form L-501
2. Kung ang confinement ay naganap matapos mahiwalay sa trabaho
− Certificate of Separation from Employment kung saan nakasaad ang petsa ng pagkakahiwalay sa trabaho na pirmado ng awtorisadong kinatawan ng employer na makikita sa SS Form L-501
Note: Ang Certificate of Separation from Employment ay hindi kinakailangan para sa SE/VM/miyembrong nahiwalay sa trabaho na nasa ilalim ng mga sumusunod na sitwasyon, kung saan ibang dokumento na sumusuporta sa claim ang dapat na isumite: Kung ang kumpanya ay nasa strike. Kung nahiwalay sa trabaho dahil sa Absence without Leave (AWOL) o hindi maayos na relasyon sa employer
− Naipanotaryong Affidavit of Undertaking kung saan nakasaad na walang paunang bayad na natanggap ang miyembro at ang petsa ng kanyang pagkakahiwalay sa trabaho.
Ang Sickness Benefit Application (SE/VM/Miyembrong nahiwalay sa trabaho) ay maaaring i-file sa alinmang sangay ng SSS na pinakamalapit sa miyembro. ng mga sumusunod: resulta ng pagsusuri Kung ang kumpanya ay nabuwag na o tumigil na sa operasyon
− Naipanotaryong Affidavit of Undertaking kung saan nakasaad na walang paunang bayad na natanggap ang miyembro at ang petsa ng kanyang pagkakahiwalay sa trabaho.
− Ang Medical Specialist ng SSS ang siyang magsasabi kung kailangang magsumite ng iba pang dokumento ang miyembro batay sa ibang checklist.
Kung may nakabinbing kaso sa hukuman tungkol
sa pagkakahiwalay sa trabaho ng miyembro
− Sertipikasyon mula sa DOLE; at
− Naipanotaryong Affidavit of Undertaking