Andi super happy sa isla life; pwede nang maging politiko sa Siargao

ELLIE, BABY LILO, ANDI EIGENMANN AT PHILMAR

Tuwang-tuwa si Andi Eigenmann sa unang labas ng kanyang vlog na nakakuha agad ng one million views in just three days.

Caption ni Andi sa kanyang Instagram photo, “We are super grateful! Thank you for all the love for me, @chepoxz and mt children. We were even more excited to give you a glimpse of our family and our isla life!”

Plano rin daw niya na i-share ang mga ginagawa niyang simple self care, health & fitness, and parenting sa kanyang mga followers, “We also hope that through our videos, we are able to inspire others to live a simple, happy, yet most of all, an eco conscious life!”

In fairness, kitang-kita sa video kung gaano ka-happy si Andi sa piling ng kanyang partner na si Philmar at sa pamumuhay niya sa Siargao. Mukhang happy family talaga sila.

Kita rin sa video na super enjoy ang eldest daughter ni Andi na si Ellie sa buhay-probinsya. At sobrang kyut naman ng nine-month old baby nina Andi at Philmar na si Lilo.

Ipinakita rin sa video ang ipinapatayo nilang bahay sa Siargao. Along the road lang siya at may kalakihan din. Little by little raw ay mabubuo rin ang kanilang lovenest.

Ang laki-laki talaga ng nagawang pagbabago ng Siargao kay Andi bilang tao and especially as a mom. Mukhang responsible siya at kakayanin niya ang lahat para sa pagmamahal niya sa kanyang sariling pamilya.

Sa Siargao tinuruan si Andi kung paano mamuhay ng simple. Ipinakita sa vlog niya ang pagsakay nila ni Ellie at ni Lilo ng tricycle papunta ng grocery at pauwi. Hindi na rin kami magtataka if one of these days ay maging tourism ambassador or public servant na sa Siargao si Andi.

Read more...