‘Napakabuting tao talaga ni Alden Richards!’ – Jon Lucas

ALDEN RICHARDS AT JON LUCAS

Isa pang nagpatunay kung gaano kabuting tao ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ay ang dating Kapamilya hunk na si Jon Lucas na mapapanood na sa seryeng Descendants of the Sun ng GMA 7 very soon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang dating Hashtag member ng litrato nila ng The Gift lead star na kuha sa birthday concert nito sa Enchanted Kingdom noong Jan. 4, kung saan guest nga si Jon. Ayon sa hunk actor idol na idol din niya ang binata at umaasa siya na makakatrabaho rin niya ito in the fufure.

“Belated maligayang kaarawan lodi @aldenrichards02! Salamat sa mga nakisaya sa ‘min kagabi sa Enchanted Kingdom,” bahagi ng caption ni Jon sa kanyang IG post.

Isa lamang si Jon sa mga artistang nagpatotoo kung gaano kabait at katotoong tao si Alden. At isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy na bine-bless ang binata, kabilang na riyan ang mainit na pagtangkilik ng manonood sa GMA Telebabad series niyang The Gift na patuloy na inaabangan ng manonood.

Sa pagpapatuloy ng kuwento nito, mas marami pang pangit at nakakikilabot na pangitain si Sep (Alden) na kailangan niyang kontrolin para hindi magkatotoo. Pero mukhang marami rin siyang haharaping problema sa mga susunod na episode lalo na ang tungkol sa kanila ng tunay niyang inang si Nadia (Jean Garcia).

Kaya tutok lang sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad after Beautiful Justice, sa direksyon ni LA Madridejos.

Read more...