Deboto nag-iwan ng tone-toneladang basura

ILANG oras mula nang simula ng traslacion ng Itim na Nazareno kahapon ay nakolekta na 14 na truck ng basura ang lokal na pamahalaan ng Maynila.

Napag-alaman na pasado alas-10 ng umaga ay nakolekta na ang Department of Public Services ng basura na nasa pagitan ng 68 at 70 tonelada mula sa Quirino Grandstand at Luneta, hanggang sa Ayala Bridge.

Matatandaan na ilang araw bago ang prusisyon ay nakiusap ang mga environmental groups at ang lokal na pamahalaan sa mga doboto na huwag magkalat.

Noong isang taon ay nakolekta ang Metropolitan Manila Development Authority ng 43 truck ng basura makaraan ang traslacion na inabot nang 21 oras.

Read more...