Horoscope, January 10, 2020 | Bandera

Horoscope, January 10, 2020

Madam Sophia |January 10,2020
facebook
share this

Horoscope, January 10, 2020

Madam Sophia - January 10, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bubuksan ang bintana ng langit para sa iyo, kaya ang mangyayari, sa taong ito ng 2020 higit na mas maraming biyaya ang matatanggap. Sa lovelife, tuloy ang maligayang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Markahan ang 4, 18, 29, 36, 40 at 48. Green at orange ang buenas. Swerte sa initial na R. at A.
Aries – (Marso 21-April 19)– Sa lovelife, kulitin ng kulitin ang iyong kasuyo, bibigay din yan. Sa pinansiyal, wag kang titigil hangga’t hindi ka yumayaman. Mapalad ang taong ito ng 2020 para sa iyo lalo na sa love life at sa aspetong pang-pinansyal. Markahan ang 3, 15, 21, 33, 42 at 49. Lilac at beige ang buenas. Swerte sa initial na B. at C.
Taurus – (April 20-May 20)– Sa taong ito ng 2020 wag mag pautang, maaaring hindi ka na naman mabayaran. Iwasan ang sobrang awa sa kapwa na alam mo namang tatamad-tamad. Sa lovelife, wag sabayan ang topak ng kasuyo. Markahan ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Pink at blue ang buenas. Swerte sa initial na D. at F.
Gemini – (May 21-June 21)– Suwerte ka sa taong ito ng 2020, dahil maisasarado mo na ang isang transaksyong pagkakakitaan mo ng malaking halaga. Sa lovelife, may masasarap na kilitiang itatala sa mga unang huwang ito ng 2020, hanggang sa mauwi sa isang masarap at nakalalangong romansa. Markahan ang 5, 14, 23, 34, 41 at 44. Beige at green ang buenas. Swerte sa initial na T. at Y.
Cancer – (June 22- July 22)– Sa lovelife at pinansyal, wag pag hinalaan ang kasuyo ng hindi maganda, sa taong ito ng 2020 ipayapa ang isipan upang mas maraming biyaya at grasya ang dumating. Markahan ang 7, 15, 22, 32, 39 at 45. Green at red ang buenas. Swerte sa initial na M. at E.
Leo – (July 23 – August 22)–Ito ang taong dapat mong ibuhos at ibigay ang lahat ng inyong kakayahan, dahil sa panahong ito ng iyong buhay, gaano man kaluho ang iyoong pangarap, isa-isa na itong magkakatotoo at matutupad. Sa lovelife, ibigay ang pinaka-masarap na romansa sa minamahal. Markahan ang 4, 19, 28, 31, 44 at 49. Yellow at violet ang buenas. Swerte sa initial na D. at I.
Virgo – (August 23 – September 22)– Sa taong ito magnilaynilay: Ask mo ang iyong sarili: “Aanhin ang pera kung malungkot ka naman?” Hapain ang isang Libra na sa iyo ay tunay namang nagpapaligaya. Markahan ang 5, 14, 25, 34, 41, at 48. Yellow at pink ang buenas. Swerte sa initial na G, at H.
Libra – (September 23-October 23)– Hindi pa huli ang lahat upang magbagong buhay! Sa simbahan ihingi ng tawad kay Lord ang mga nagawang kasalanan. Sa ganyang paraan gagaang ang kalooban. Kapag magaang ang pakiramdam tuloy-tuloy ang ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Markahan ang 3, 17, 2, 18, 29 at 40. Violet at red ang buenas. Swerte sa initial na P. at R.
Scorpio – (October 24 – November 21)– Sa taong ito ng 2020 ingatan ang kalusugan. Wag abusuhin ang katawan sa mga bisyo at mga pagpapasarap na wala namang kabuluhan. Kailangang humaba ang buhay, upang makapiling mo pa ng mahabang panahon ang mga mahal sa buhay. Markahan ang 2, 9, 18, 27, 34 40 at 45. Red at Black ang buenas. Swerte sa initial na E. at T.
Sagittarius – (November 22 – December 21)– Sa taong ito upang lumigaya, wag magtanim ng galit sa halip ang itanim ay pag-ibig sa kapwa. Sa pinansyal habang natututong magpatawad at mag mahal, lalong lalago at uunlad ang kabuhayan. Markahan ang 4, 18, 27, 34, 40 at 46. Blue at apple green ang buenas. Swerte sa initial na W. at S.
Capricorn – (December 22 – January 19)– Sa taong ito ng 2020 higit na kikita ng malaking halaga kung laging paiiralin ang pagiging mahinahon. Sa lovelife, pagpasensyahan ang topaking kasuyo, bukas-makalawa, babait din siya. Markahan ang 7, 17, 29, 39, 44 at 49. Red at violet ang buenas. Swerte sa initial na C. at B.
Aquarius – (January 20 – February 18)– Kung ayaw pa ring magbago ang kapalaran, magpa-putol ng buhok. Sa bagong hair style, magiging masaya na ang love life, habang sa pinansyal, tuloy-tuloy na ang pasok ng wuwerte sa aspetong pang mataeryal. Markahan ang 4, 13, 22, 38, 40 at 46. Yellow at lilac ang buenas. Swerte sa initial na F. at K.
Pisces – (February 19 – March 20)–Kung nagbabalak mag-abroad, sa taog ito ng 2020 siguradong matutuloy ka. Kaya lang dahil sa hindi ka marunong mag-ipon, wala na namang mangyayari sa kikitain sa ibang bansa. Kapag kumita ng malaking halaga, unahin ang pages-savings upang magtuloy-tuloy na ang pag-unlad ng kabuhayan. Markahan ang 7, 16, 23, 32, 38 at 41. White at red ang buenas. Swerte sa initial na L. at P.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending