29,500 dumagsa sa ‘Pahalik’

 

HUMIGIT-kumulang 29,500 katao ang dumagsa sa Quirino Granstand sa Luneta, Maynila, ngayong Miyerkules, para makahalik sa imahe ng Itim na Nazareno bago ang traslacion, o prusisyon, sa Huwebes.

Naitala ang bilang dakong alas-6 ng gabi, habang nagpapatuloy ang “pahalik,” ayon sa ulat ng Manila Police District.

Kasabay nito’y may naitala na humigit-kumulang 7,000 deboto sa loob at labas ng Quiapo Church habang may idinaraos na misa.

Sinimulan na ang “pahalik” noong Martes pa lang ng gabi at di bababa sa 4,500 deboto na ang naunang lumapit sa imahe.

Pinaaga ang tradisyunal na event sa pagnanais ng mga awtoridad at mga lider ng simbahan na maiwasan ang siksikan ng mga tao.

Naglagay din ng kulay-orange na plastic barriers sa harap ng grandstand para maiwasan ang pagtutulakan ng mga nakapila.

Mahigit 500 pulis at sundalo ang ikinalat sa grandstand at paligid ng Quiapo Church para magbantay sa pahalik at mga idinaos na misa bago ang traslacion.

Read more...