ABOT-LANGIT naman ang pasasalamat ng singer-comedienne na si Kakai Bautista dahil isa siya sa mga napili ng GMA na maging regular performer sa All-Out Sundays.
Sa kanyang Instagram story, sinabi ni Kakai na hindi pa rin siya makapaniwala na after 17 years ay mabibigyan siya ng ganitong kabonggang project sa TV.
Aniya, “Surreal. Di ko na inaasahan na mangyayari pa sa buhay ko after 17 years ang maging regular performer sa isang variety show. Pero andun lang yung paniniwala kong pwede. Dahil, ‘pag nagtiwala ka sa timing ni Lord, WALANG IMPOSSIBLE!”
“Madami rin akong nabasa na lait at kutya. Ang sa akin, Ok lang yun. Ang isa sa mga purpose ko bilang performer ay ang mapasaya at ma-entertain ang mga manonood hindi ang i-please ang lahat,” aniya pa.
Nag-thank you rin siya sa poste ng programa na si Alden Richards, “Siyempre sayo superstar kong kaibigan!
Maraming salamat sa yakap ng pag-welcome kahapon (Jan. 5). Sabi ng iba, maswerte ako sa mga kaibigan ko dahil mga superstars. MALI YUN. Maswerte ako na kahit ganun ang estado ng mga kaibigan ko sa pareong networks – MABUBUTI, HUMBLE at TOTOO silang mga tao. RARE ‘yun. Love you Biby! paBudol ka naman!!!”