Alden muling nagpa-yummy sa socmed, nagbilad ng katawan

NAGPA-YUMMY na naman ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa latest picture niyang inilabas sa Instagram.

Pero may takip ng tuwalya ang kanyang katawan kaya binti at hita lang ang napansin ng mga netizens.

“Woke up early for this,” caption ni Alden sa kanyang litrato na tila nasa isang resort.

Pinusuan ng nga fans ang post ng Asia’s Multimedia Star. Wish naman ng iba niyang followers, “Sana all!” Siyempre, sa hitsura ng kanilang idolo, gusto na nilang hubaran nang bonggang-bongga si Alden, huh!

May ilang netizens naman ang nagtanong kung kailan magpapaseksi sa kanyang mga proyekto si Alden dahil game na game na raw ang abs at muscles ng Kapuso heartthrob.

Take note, sa pagpasok ng bagong dekada, sunud-sunod pa rin ang pamamayagpag ni Alden sa Twitter dahil lagi siyang trending topic na talagang kinakarir ng mga Aldenatics.

* * *

Hindi uso kay Dingdong Dantes ang salitang pikon. Nitong nakaraang mga araw, pinaglaruan ang pangalan niya sa social media at trending pa nga sa Twitter.

Iba’t bang memes o picture na nakaaaliw ang inilabas ng mga netizens gamit ang kanyang mukha at katawan.

Binabago nila ang pangalan ni Dong sa kanilang mga memes at pati mukha ng GMA Primetime King ay kanilang pinapalitan.

Merong gumawa ng name niya bilang Dingdong DoneTest, Dingdong Guantes at Dingdong DanceSteps. Meron ding mga nag-post ng mga linyang, “Dingdong ang bato!” mula sa famous line ni Darna.

Hindi naman nabuwisit si Dong sa mga nakita niyang memes. Game na game pa siyang nakipagkulitan at nagsabi kung alin sa mga ito ang winner para sa kanya.

Tweet ni Dong, “And the winner is…Dingdng DoneTest!” Ito ‘yung memes na hubad ang pang-itaas na shirt at itinaas ang test paper bilang hudyat na tapos na ang pagsagot niya sa test.

Nataon naman ang pagkalat ng memes sa social media sa paglabas ng bagong teaser ng series niyang Descendants of the Sun na kuha sa ginawa niyang training kasama ang ilang members ng cast with special forces team ng Philippine military.

Read more...