Pops umiyak sa presscon ng ‘Twogether Again’ concert dahil sa anak ni Martin

POPS FERNANDEZ AT MARTIN NIEVERA

NAPAIYAK ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa ginanap na presscon kanina ng Valentine concert nila ni Martin Nievera, ang “Twogether Again” na ginanap sa West Avenue Suites, Quezon City.

Hindi napigilan ng singer-actress ang kanyang emosyon nang matanong tungkol sa pagmu-move on niya sa break-up nila ni Martin noon bilang mag-asawa.

Maganda na ang relasyon ngayon ng ex-couple at ilang beses na rin silang nagsama sa concert dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang bahagi ng mundo. At nitong nakaraang holiday season lang ay nagkaroon sila ng hindi malilimutang selebrasyon kasama ang kanilang mga anak.

Nang matanong kung paano kinaya ni Pops ang moving on process pati na ang makaharap ang dati ring partner ni Martin na si Katrina Ojeda. Sa mga hindi pa nakakaalam, si Katrina ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Pops at Martin.

Ayon kay Pipay, hindi talaga madaling tanggapin at harapin ang lahat ng pinagdaanan nila ni Martin, “I don’t think I’m gonna be a normal human being if ganoon kadali. But I think like I said, time heals all wounds.”

Dito na nagsimulang maging emosyonal si Pops hanggang sa mapaiyak na lalo na nang mabanggit ang anak ni Martin kay Katrina na si Santino.

“When you see your life and you know that…for me kasi, I’m okay, I’m doing quite well. I’m blessed, of course, with my two boys. Parang nawala na talaga yung galit ko… kung ano man ‘yun.

“The other factor, when I saw Santino, such a sweet kid. I think that totally changed my whole…yung pananaw ko talaga. So, I said everything has to be okay, and it is,” pahayag ng singer-actress.

Kuwento ni Pops, nagkasama-sama silang lahat last Christmas na talagang pinaghandaan ni Katrina, “I’m happy to say, for the very first time, our Christmas, not quite normal yet, but somehow we made it work. I wanted the boys to be together, and they did, and I think they had a great time,” sey pa ng ex-wife ni Martin.

Inamin naman ng Concert King na nakakailang pa rin na makasama ang dalawang babae na naging bahagi na ng kanyang buhay, “It wasn’t comfortable for me having both Pops and Katrina in the same table. It wasn’t very forced, because the kids get along well and Katrina made a big feast for us.

“It’s been a long time. I mean, you know me and Katrina are not together anymore either, so it’s the whole modern family concept. It was magic. It was Christmas. That’s what Christmas is all about.

“Of course, all the credit goes to Pops because if she doesn’t allow it, it’s a whole different ballgame. It’s the woman really, it’s the one who was left with all of this burden and so on, that have to cope with these things or make a choice to cope with it or not.

“She made the choice to cope with it. So, for all the women out there, you talk about powerful women? She should be on the poster, that’s Pops,” sey pa ni Martin.

Singit naman ni Pops, “I think same goes to Katrina. She also had difficult times. Both ways. Mabuhay ang mga kababaihan.”

Samantala, tuloy na tuloy na ang muling pagsasama ng ex-couple sa concert stage ngayong darating na Valentine season. Titled, “Twogether Again”, muling pakikiligin ng tambalang Pops-Martin ang madlang pipol sa kanilang 7-night concert na magaganap sa The Theatre @ Solaire sa Feb. 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21. For ticket inquiries, call Ticketworld, 8891-9999. This is presented by PLDT and supported by Farlin, Zim, Nurture, Debt Aid Art marami pang iba.

Read more...