I-text kay Madam Sophia (August 2, 2013)

Mula kay Marivic, ng Barangay Isidro D. Tan, Tangub City.  April 1, 1975 ang birthday ko. Ano ba ang angkop na negosyo sa akin upang ako ay yumaman?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, angkop na negosyo ang may kaugnayan sa agrikulutura, tulad ng butil, mani, kape, munggo, mais, butong pakwan, palay, atbp. Puwede rin ang lahat ng negosyong may kaugnayan sa maiinit na bagay, binibilad sa init ng araw, at ginagamitan ng apoy, ng init ng araw, at ng elektrisidad.
Bukod sa mga negosyong nabanggit, angkop din sa iyo ang pamomolitika o mga gawaing may kaugnayan sa pakikisalamuha sa lipunan at pamumuno sa kahit anong sangay ng ating pamahalaan.
 Kapag nasunod ng simpleng suhesyon, sa taon 2015, maunlad na maunlad ka na.
>>>
Mula kay Jim ng …2691. May 2, 1965 ang birthday ko. Matagal na po akong tumataya sa lotto pero wala pa rin. Ano kaya ang masuwerte kong numero na bumabalot sa aking buhay?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, ang lahat ng numero na may sumatotal na 8 ang siyang bumabalot sa iyong kapalaran gayon din ang lahat ng numerong may sumatotal na 5. Tulad ng 8, 17, 26, 35, 44, at iba pang kauri nito, gayon din ang lahat ng numero na may sumatotal na 5, tulad ng 14, 23, 32, 41, 50 at iba pang kauri nito.
 Samantalang ang numerong may sumatotal na 3-6-9, ay maaari ding magbigay sa iyo ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran.
 Kaya nga pagsapit mo ng edad na 50 pataas, kusa ka nang susuwertehin at magtatagumpay sa anumang larangang nais mong mapagtagumpayan.

Read more...