Coleen nagsalita na sa ‘away’ nila ni Anne: Ang daming isyu na lumabas

SA kauna-unahang pagkakataon, sinagot na ni Coleen Garcia ang umano’y issue sa pagitan nila ni Anne Curtis.

Dating host ang misis ni Billy Crawford ng It’s Showtime ngunit bigla siyang natanggal sa programa at ang isa sa sinasabing dahilan ay ang away umano nila ni Anne.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang aktres sa presscon ng bagong pelikula niyang “Mia” katambal si Edgar Allan Guzman, at dito nga naitanong kung posible pa bang mapanood uli siya sa Showtime.

“To promote or to guest, but ‘yung mag mainstay again, I’m not sure. I mean if it’s on the table and that’s something that I would probably have to consider. But right now, I’m enjoying kasi ang dami kong nagagawa rin,” sagot ni Coleen.

Nawala ang aktres sa Kapamilya noontime show noong 2016, pero walang ibinigay na malinaw na dahilan ang management kung bakit. Pero isa nga sa sinasabing rason ay dahil sa isyu sa kanila ni Anne. Nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa pagiging “dedma” ni Coleen.

“Never kami nagka-anything, I mean she even invited me sa BLK in Australia after everything. I don’t know siguro mga tao lang gumagawa ng drama. I mean it’s always exciting when there’s drama but with us, never naman nagka-fight, tampuhan or anything,” lahad ni Coleen.

Alam din niya ang usap-usapan noon tungkol sa kanila ni Anne, “Yeah, but noong time na ‘yun kasi ang dami e, ang daming isyu na lumalabas. It was just that. Although, I did adjust with these before as far as I remember. Actually noong nawala ako sa Showtime isa siya sa unang nag-text sa akin.”

So, kumusta na sila ni Anne? “Very good. Alam mo ‘yung parang you’re all like settled down and you’re all married, parang you all kind of shared a similar mindset also, di ba? So parang nandoon kaming lahat ngayon sa Showtime, sina Jhong (Hilario) Ryan (Bang) na lang yata and si Vice (Ganda) ang hindi ikinakasal, e.”

“But anybody else, nagma-mature na kaming lahat. We’re kind of all in the same page with some things,” dagdag pa niya.

Samantala, balik-akting nga si Coleen ngayong 2020 at ang romcom movie nga nila ni Edgar Allan na “Mia” ang pambuwena-manong Pinoy movie na mapapanood sa mga sinehan pagkatapos ng Metro Manila Film Festival. Showing na ang “Mia” sa Jan. 15 nationwide.

Read more...