Catriona, Robin, Gary humiling ng ulan para sa Australia wildfire; Joshua nag-donate ng pera

CATRIONA GRAY

PINANGUNAHAN ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang pag-aalay ng dasal at panghihingi ng tulong sa madlang pipol para sa nagaganap na malawakang wildfires sa Australia.

Ayon kay Catriona, matindi at taimtim na dasal ang kailangan para mahinto na ang ilang buwang pananalasa ng bushfire sa maraming lugar sa Australia.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng beauty queen na isang Filipino-Australian ang kanyang panalangin para sa isang “mighty miracle” na magpapatigil wildfires. Makikita rin sa kanyang IG post ang mga nag-aapoy na kagubatan sa Australia pati na ang mga tao at hayop na inililikas roon.

“Prayer warriors, please join me in praying for Australia, (praying hands emoji) Father God, I pray for Australia. I pray for rains that would come and dispel the fires that are raging. I pray for your protection over the land, all of its people, their families and wildlife.

“I pray for the volunteers, the firefighters, the servicemen who are putting their lives at risk every day. We ask for a mighty miracle Lord, in the name of Jesus Christ. AMEN,” aniya pa.

Dagdag pa ni Cat, “We are experiencing a national crisis, and it is only going to get worse. Right now we need a miracle to stop these fires. Our firefighters are VOLUNTEERS, taking time off from their paying jobs to put their lives on the line for us. Please help & donate to these charities (LINK IN BIO) & if you can’t donate, please share this:⁣ @NSWRFS: to help the volunteer firefighters battling on the frontline; @WIRESWILDLIFERESCUE: to help the wildlife victims; @SALVOSAU: to help families & communities affected by the fires with food, resources, etc.”

Ni-repost naman ng ilan pang celebrities ang IG message ng beauty queen kabilang na nga riyan sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, John Arcilla at Robin Padilla.

Sabi ni Binoe, “I Lived in Australia for 10 years it served as a 2nd home to me and to my daughters homeland to my only son. May The Almighty God save the land down under who taught us about the wild and nature.”

Nauna rito, pinasalamatan naman ni Paulo Avelino si Joshua Garcia dahil sa pagbibigay nito ng donasyon sa mga biktima ng wildfire, “Thank you @iamjoshuagarcia for being a kind hearted soul not just locally but globally. Hindi lang tayo puro tanggap, tumutulong din tayo. #AUSTRALIANBUSHFIRES #australiaisburning #AustraliaOnFire.”

Read more...