Pasabog ang pagpasok ng 2020 kina Joem at Yeng dahil sa ‘Write About Love’

YENG CONSTANTINO AT JOEM BASCON

ABOT-LANGIT ang kasiyahan ng Star Magic stars na sina Joem Bascon at Yeng Constantino dahil sa mga blessings na tinanggap nila bago magpaalam ang 2019.

Bukod sa mga papuring tinanggap nila mula sa madlang pipol, itinanghal din silang Best Supporting Actor at Best Supporting Actress sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival para sa award-winning movie entry nilang “Write About Love.”

Bukod sa nasabing pelikula mula sa TBA Studios, kasali rin si Joem sa 2019 MMFF entry na “Culion”. Inamin ng aktor na first time niyang um-attend ng MMFF Gabi ng Parangal at nanalo pa siya kaya talagang feeling nasa Cloud 9 ang drama niya that night.

“Sobrang saya ko na nanalo ako. Di ko kasi talaga ine-expect na manalo, talagang pumunta lang ako to support yung dalawang entry ko and support the Manila Film Festival. Kasi this is my first time na pumunta ng awards night. As in unang beses ko to kasi nu’ng first time ko na nag-MMFF nasa States ako, so this time, nandito na ako,” ani Joem.

Ayon sa aktor, hindi siya nagsisisi na nag-audition siya para sa movie, “Tamang-tama lang talaga siguro yung emotions ko nu’ng audition, na nagawa namin ni Direk Cris (Aquino) na pinagawa niya mismo sa akin doon sa pelikula.

“Very clear kasi ang vision ni Direk Cris, which is to give tribute sa mga writers na hindi nakikilala. And I’m so happy na na-create ko ng may process si Marco, which is my character. It was a fun movie to do, it was great to work with all my co-stars,” aniya pa.

The actor is also very thankful to Yeng, whom he knows gave her all to giving life to her character Joyce, “Yeng was very eager to learn tapos naiintindihan niya yung mga scenes namin, so nabigay niya ng may puso yung mga eksena. Kaya sobrang saya namin na nanalo din si Yeng.

“Naramdaman nila siguro yung love story namin ni Yeng du’n sa pelikula, nabigyan ng justice yun characters. I’m happy kasi ‘di magwo-work si Marco kung wala si Joyce. Hindi ako magiging effective kung wala yung character ni Yeng at kung ‘di kami nagbigayan sa isa’t isa. So masaya ako at na-recognize ‘yun ng jurors,” dagdag ng binata.

Samantala, ikinagulat naman ni Yeng ang balitang nanalo siya ng best supporting actress. Aniya, “Na-surprise ako! Nasa Thailand airport ako nu’n eh, pauwi ng Manila nu’ng nalaman kong nanalo ako. I opened my Twitter tapos ang daming nag-congrats. Ako naman ‘What? Totoo ba to?’ Medyo lutang yung feeling kasi ‘di ko inasahan talaga. Yung makapasok lang sa MMFF panalo na kami ng team ‘Write About Love’ eh. Pero may pa-bonus pa na awards so super happy and grateful talaga.”

Mixed emotions naman ang naramdaman ng Kapamilya singer-actress habang ginagawa ang pelikula, “Ang sarap na mahirap. Masarap dahil new experience at mababait lahat ng nakatrabaho namin. Mahirap kasi may konting pressure nu’ng ginagawa yung pelikula. Pero lahat sulit dahil ang ganda ng kinalabasan ng pelikula.”
special place in her heart now.

“Sana po ay mas dumami pa ang acting projects dahil napamahal na rin po sa akin yung craft na ito,” ani Yeng.

Ngayong 2020, abangan ang bagong Cinemalaya project ni Joem, ang “Angkas” while Yeng will be working on a new album and hopefully a major concert, and will continue with her duties as a

Tawag Ng Tanghalan judge and mentor ng reality talent search ng ABS-CBN na Your Moment.

Read more...