SI Enrique Gil ang unang boyfriend ni Liza Soberano at sa ilang taon nilang relasyon ay ni minsan hindi nabalitang na-link ang binata sa ibang babae at gayun din ang dalaga.
Nu’ng pumasok ng showbiz si Liza ay sinabihan siya agad ng manager niyang si Ogie Diaz na bawal magkaroon ng boyfriend hangga’t hindi nito nagagawa ang pangarap niyang makapagpundar ng bahay para sa magulang niya, house and lot para sa kanya at sasakyang magagamit sa trabaho.
Masunuring bata si Liza dahil nagtrabaho siya nang husto, ang araw ginawang gabi at ang gabi, ginawang araw. Sa madaling salita, nakamit niya ang lahat ng pangarap kaya binigyan na siya ng go signal ng manager na puwede na siyang magkadyowa.
At saka lang inamin ni Liza na boyfriend na niya si Enrique sa publiko na kahit alam naman ng lahat na matagal ng silang magkarelasuon. Sabi nga ni Ogie, “Wala naman akong magagawa kapag na-in love siya, ang mahalaga, may bahay na siya, ang mga magulang niya, may sasakyan at may ipon.”
Totoo naman, at bukod diyan may bahay na rin si Liza sa Amerika na puwede niyang tuluyan kapag naroon siya. Sa kabilang banda ay pinaghahandaan na rin pala ni Enrique ang future nila ni Liza. In fairness, ang laki na rin ng ipinagbago ni Enrique ngayon, nag-mature at pawang pagnenegosyo na ang gustong pag-usapan.
Ayon sa panayam kay Quen ng Push, plano na nilang magpatayo ni Liza ng spa resort sa bayan nito sa Batangas kung saan nakatayo ang beach house niya na ibinebenta na niya para pagkakitaan. Aniya, “I got another property beside it that’s like a hectare sa may coastline na gusto ko gawing resort. Sabi ko, ‘Let’s just stick with the plan na lang. Let’s just sell this house and then let’s just build the resort there. Mas malaki pa yung place. Tapos na yung beach house. We’re just waiting to sell it.”
Hindi naman itinanggi ng aktor na plano rin niyang bumili ng property para sa kanilang dalawa ni Liza, “I’m going to be building with Hopie in Vermosa (Cavite) in the future,” saad ng binata. Sa ngayon ay nakatira pa rin si Enrique sa magulang niya kasama ang mga kapatid sa Parañaque.
“I still live with my mom in the south, still in the same house where I grew up. It’s a one-storey house. It’s actually very masikip na para sa amin but we’re used to it. Sabi ko nga live humbly and simply. I still stay in the same room as my kuya. Right now it’s a two-bedroom house. It’s just my mom, my sister, me, and my brother. My mom bought it when she was single pa a long, long time ago. So we never renovated it.
“It’s a small house. Eh, ang dami ng gamit so what we’re planning to do is sell this house and we can build a bigger house for my mom and my sister. And for me to stay also,” kuwento pa ni Quen.