KALAT na ang chika na masamang-masama ang loob ni Megastar Sharon Cuneta sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.
Nagsimula ang tsismis na may matinding tampo si Mega sa anak nang hindi ito makarating sa kanyang 54th birthday celebration sa ASAP Natin ‘To kahapon. Ngayong araw, Jan. 6 ang eksaktong kaarawan ng singer-actress.
Ilan sa mga Kapamilya stars na present sa selebrasyon ni Shawie ay sina Regine Velasquez, Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Martin Nievera at Gary Valenciano. Nandoon din ang asawa ni Mega na si Sen. Kiko Pangilinan, ang mga anak nilang sina Frankie at Miel at ang bunsong si Miguel at si KC lang talaga ang wala.
Nag-sorry naman si KC sa kanyang ina sa pamamagitan ng Instagram kung saan nag-post pa siya ng throwback photo nilang magnanay, aniya personal ang dahilan kung bakit hindi siya nakapunta sa selebrasyon.
“Happy birthday, mama. [heart emoji]. I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons.
“We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will. I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young.
“If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best. Happiest birthday to you mama. May your light shine brighter and brighter and I will see you soon.
“I love you and pray for your happiness always. [praying, sparkle, heart emojis].”
Napansin ng televiewers na hindi binanggit ni Sharon si KC sa kanyang speech sa ASAP, “Thank you, Frankie, Miel, and Miguel for giving importance to Mama, and loving me, and being respectful and kind, grateful children.
“Ipinagdarasal ko rin lahat ng aking mga anak… na sana, lumaki kayo na nakatapak ang mga paa sa lupa. Huwag nakalilimot sa pagmamahal ng magulang, at sa lahat ng nagawa ng mga magulang ninyo sa inyo. Pasensya na ho, medyo emotional ako. Kasi nagulat ako sa mga surprise. At saka… kasi alam ko, apat ang anak ko e,” ang may himig pagtatampo ni Mega sa hindi pagpunta ni KC.
Dito biglang yumakap si Miguel kay Sharon sabay dialogue ng, “I hope you emulate Ate Sarah who’s such a good child din. She’s been so blessed because of that. Or Mama Regs (Regine), or Mama J, Mama Juday.”
Habang pinupunasan naman ni Sen. Kiko ang kanyang pawis at luha, pabirong chika ni Mega sa kanya, “Thank you for all the years that you remained faithful. And true. And hindi mo man kamukha si Brad Pitt, andami naman niyang problema. Tayo, wala!”
Bukod dito, wala rin ang pangalan ni KC sa mga binanggit ni Sharon nang isa-isahin na niya ang kanyang mga anak sa caption ng kanyang IG photo kung saan kasama niya sina Liza Soberano, Enrique Gil, Martin Nievera, at mga anak na sina Frankie at Miel. Sey ni Mega, “[W]ith my beautiful daughters who REALLY love me to the moon and back, Kakie and Miel.”
Marami namang netizens ang nag-comment na baka raw nagtampo si Sharon dahil mas pinili umano ni KC na makasama ang kanyang rumored boyfriend na si Apl.de. Ap kesa sa kanyang ina. Balita kasing nagkakamabutihan na ang dalawa at marahil daw, ito ang sinasabing rason ni KC na “personal” kaya hindi nakasipot sa birthday celebration ni Mega.
Samantala, nagpasalamat din si Mega sa lahat ng mga Sharonians na mula noon hanggang ngayon ay wala pa ring sawang sumusuporta sa kanya.
“A very special THANK YOU TO ALL OF YOU, my beloved, dearest loyal SHARONIANS. Wala ako dito kung wala kayo at di ninyo ako minahal. Mahal na mahal ko kayo, alam ng Diyos yan. Galing sa puso at kaluluwa ko. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat! God bless us all,” mensahe niya sa kanyang loyal fans.