P4.1 trilyong budget para sa 2020 pinirmahan na ni Duterte

PINIRMAHAN na ni Pangulong Duterte ang P4.1 trilyong budget para sa 2020 sa isang seremonya  sa Malacanang.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Duterte ang Kongreso para matiyak ang agarang pagpasa ng budget.

“Let me take this opportunity to thank Congress for supporting this administration’s sound fiscal policies through the continued adoption of the Cash Budgeting System and the full implementation of the Comprehensive Tax Reform Program,” sabi ni Duterte.

Mas mataas ng 12 porsiyento ang budget ngayong taon kumpara noong 2019.

Pinakamalaki sa pinirmahang budget ang pondo para sa social services sector na kung saan naglaan ng P1.495 trilyon o 36.5 porsiyento ng kabuuang pambansang budget, para pondohan ang mga programa sa edukasyon, kalusugan at social protection.

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na kabilang dito ang Universal Access for Quality Tertiary Education (P39 bilyon), Basic Education Facilities Program (P36 bilyon), Universal Health Care Program (P172.4 bilyon), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (P108.8 bilyon) at Unconditional Cash Transfer Progra

Read more...