Para sa may kaarawan ngayon: Sopresang mga suwerte ang biglang darating sa iyo sa taong ito ng 2020. Ang mga suwerteng ito ay may kaugnayan sa pag-ibig at salapi na maaari mo pang maipamahagi sa iyong mga mahal sa buhay. Kaya sa taong ito ng 2020, ugaliin mong laging magpasalamat sa nasa itaas sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan at sa mga mahihirap. Markahan ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Green at blue ang buenas. Swerte ang initial na P. at R.
Aries – (Marso 21-April 19)- Sa pag-ibig, wag ng ulitin ang nakaraang mga pagkakamali dahil makagugulo lang yon sa kasalukuyang ligaya. Oo may ligaya at mga pagpapalang darating sa pagbungad na pagbungad ng taong ito ng 2020. Sa pinansyal mas mabilis ang dating ng pera, kaya kailangan wag na wag kang gastos ng gastos, dahil pag nagkaganon, bibilis din ang pagkubos nito. Markahan ang 7, 13, 20, 29, 37 at 48. Lilac at pink ang buenas. Swerte ang initial na E. at T.
Taurus – (April 20-May 20)-Sa taong ito ng 2020 basta’t lagi ka lang magpaganda at magpa-sexy, sa pinansyal at pag-ibig siguradong sasagana ka at magiging maligaya ka na maipamamahagi mo pa sa iyong pamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Red at purple ang buenas. Swerte ang initial na L. at I.
Gemini – (May 21-June 21)-Maraming mga pagbabago ang hatid ng 2020. Sa pinansyal, bagong negosyo at bagong pagkakakitaan ang higit na magpapaunlad sa iyo. Sa lovelife higit kang mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating. Markahan ang 5, 18, 23, 33, 39 at 43. Silver at orange ang buenas. Swerte ang initial na P. at G.
Cancer – (June 22- July 22)- May bagong kalakal na iaalok ang isang kaibigan. Kung siya ay isang Capricorn sunggaban mo agad upang kumita ng malaking halaga. Sa lovelife, nagtatampo ang kasuyong Virgo, haguran siya ng noo at imasahe. Markahan ang 6, 15, 24, 32, 34, at 49. Apple green at red ang buenas. Swerte ang initial na V. at R.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa pag-ibig, tigilan na ang madalas na pambubulyaw at pang-aaway sa kasuyong Aries. Maging mabait sa iyong mga tauhan, upang maging mabait din sa iyo ang kapalaran. Markahan ang 6, 9, 18, 27, 36, at 45. Yellow at orange ang buenas. Swerte ang initial na C. at P.
Virgo – (August 23 – September 22)-Tapusin mong mabilis ang mga gawain sa taong ito ng 2020. Dahil kapag mabilis kang natatapos, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating lalo na sa larangan ng salapi at pinansyal. Sa lovelife, higit na mas magiging mainit at masarap at susunod na lihim na pagtatagpo. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 40 at 48. Lilac at White ang buenas. Swerte ang initial na T. at I.
Libra – (September 23-October 23)- Sa taong ito ng 2020, ingatan ang pigura, kapag pumangit ka, magkaroon ng problema sa lovelife at pakikipag-relasyon. Panatiliin ang pagiging wholesome at sexy. Hindi dapat gumastos ng malaking halaga sa pagpapaganda konting exercise lang ay sapat na. Markahan ang 8, 14, 25, 32, 41, at 45. Beige at silver ang buenas. Swerte ang initial na M. at P.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Sa lovelife, tanggalin ang pag-aalinlangan, panatiliin ang tiwala upang lumigaya ang relasyon. Sa pangangalakal, magtiwala sa sariling kakayahan, – kayang-kaya mo namang magpayaman! Markahan ang 7, 16, 23, 34, 43 at 49. Green at orange ang buenas. Swerte ang initial na E. at B.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Wag masyadong mabait! Sa taong ito ng 2020 sa sobrang kabaitan, mauubos agad ang pera. Hindi masamang mamigay at mag-pautang, pero wag naman sobra. Sa lovelife habang patuloy mong minamahal at pinagpapasensyahan ang iyong kasuyo, lalo naman siyang gaganahan kaya lalong sasarap at lalo pang iinit ang romansa. Markahan ang 4, 18, 26, 33, 36 at 45. White at lilac ang buenas. Swerte ang initial na K. at J.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Mapupuno ng mga pagpapala at pag-aani ang taong ito ng 2020 para sa iyong kapalaran. Kaya yong mga suwerteng hinihintay mong hindi pa dumarating, umasa kang sa taong ito doble at bultong mga suwerte ang mapapasa iyo. Kaya ang dapat lagi kang magpasalamat at bilang pasasalamat lahat ng sobrang suwerte na hindi mo na madakot sa iyong mga palad ay ipamigay mo sa mga mahihirap at sa mga nangangailangan. Markahan ang 4, 18, 28, 34, 38, at 40. Beige at purple ang buenas. Swerte ang initial na I. at F.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Hindi dapat ipaubaya sa iba ang kapalaran. Wag ka kasing asa ng asa sa ibang tao. Sa sarili mong diskarte, sa sarili mong galing at sa sarili mong kakayahan, mapapaunlad at mapaliligaya mo ang buong taong ito ng 2020. Markahan ang 4, 11, 22, 29, 43 at 45. Black at yellow ang buenas. Swerte ang initial na P. at L.
Pisces – (February 19 – March 20)- Sa taong ito ng 2020 dagdag na ispiritualidad ang dapat. Sa lovelife at pinansyal, kapag sinamahan ng panalangin ang bawat araw ngayong taong 2019, ang iyong wish ay mas mabilis na matutupad at magkakatotoo. Markahan ang 4, 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Green at red ang buenas. Swerte ang initial na C. at S.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.