Kilalang male celeb araw-gabing pagsisisihan ang ‘pagkamkam’ sa ari-arian ng ina

NAKAKALUNGKOT ang kinahinatnan ng isang pamilyang dating super-clannish ang mga miyembro. Huwag mong sasaktan ang isa sa kanila at siguradong kalaban mo na ang buong pamilya.

Ganu’n sila ka-bonded, ganu’n sila ka-close, modelong pamilya pa nga sila nu’n para sa mga taga-showbiz dahil sa kanilang pagmamahalan.

Pero nakakalungkot ang kuwento ng mga impormanteng malapit sa pamilya, watak-watak na sila ngayon, nagkani-kanyang kampihan na.

Sabi ng aming source, “Extreme ang nangyari sa kanila, kung kailan pa sila nagsitanda, e, saka pa sila nagkaganyan!

“Super-supportive sila sa bawat isa nu’n, di ba? Naku, mahirap nga silang kalaban, kasi, kapag sinaktan mo ang isa sa kanila, e, talagang buong pamilya na ang makakalaban mo!

“Ganu’n sila ka-clannish, against common enemy, there are one!” unang chika ng aming source.

Lumipas ang Pasko at Bagong Taon na hindi pa rin sila nagkakasundo, matindi ang iringan sa pamilya, dahil ‘yun sa isang miyembro na sinubukang maisahan ang ibang miyembro ng pamilya.

Patuloy ng aming source, “Ewan ba kung bakit naisipan ng isang member ng family nila na pakialaman ang isang property nila. Nakakawindang, dahil pinalabas ng taong ‘yun na nabili na niya ang property sa mother nila, pero hindi naman!

“May kaso ngayon ang property na ‘yun, pinaglalabanan ng pamilya ang property, dahil nga sa ginawa ng isang member ng family nila na nakialam sa ari-arian nila. Akala siguro niya, e, makalulusot siya, du’n siya nagkamali!

“Nagreklamo ang totoong owner ng property, idinemanda ang nakialam, kumampi sa mother nila ang mga members ng family dahil mali naman talaga ang ginawa ng pakialamerong kapatid nila,” kuwento pa ng impormante.

Alarmado na ang kanilang mga kapitbahay tungkol sa kuwento ng loteng pinaglalabanan sa korte, takang-taka ang mga ito kung bakit umabot sa ganu’n ang pamilya, samantalang kuyog nga kung tawagin sila nu’n.

Pagtatapos ng aming source, “Nakakahiya ang ginawa ni ____ (pangalan ng isang kilalang male personality), akalain n’yo ‘yun? Sinosolo niya ang property na hindi naman sa kanya!

“Araw-gabi niyang pagsisisihan ang ginawa niya,” panghuling sultada ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, nakakalungkot ang pangyayaring ito!

Read more...