‘All-Out Sundays’ ng GMA waging-wagi; world-class komedya, kantahan, sayawan

WAGING-WAGI ang pasabog na pilot episode ng pinakabagong weekly musical comedy show ng GMA 7, ang All-Out Sundays!

Inabangan at tinutukan ng Kapuso viewers ang unang handog ng All-Out Sundays at patunay diyan ang pagiging isa sa top trending topic nito sa Twitter kahapon, bukod pa sa napakaraming comments na ipinost ng netizens sa Facebook at Instagram.

Nagsama-sama ang mga talentado at malalaking Kapuso stars para sa all-out entertainment na patok na patok sa buong pamilya, kabilang na riyan ang world-class musical performances, nakakalokang games at ang pinag-uusapan na ngayong live sitcom.

Bukod sa birthday celebration ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa tinaguriang Sunday Musikomedya sa TV, hataw kung hataw din sa mga bonggang production numbers sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Rayver Cruz, Ken Chan, Rita Daniela, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi at JD Domagoso.

Nagpakitang-gilas din sa #AOS stage sina The Clash Season 1 champiom Golden Cañedo with finalists Garrett Bolden, Jong Madaliday at The Clash Season 2 champion Jeremiah Tiangco and First-Runner Up Thea Astley.

Hindi rin nagpatalbog sa kanilang trending performance ang StarStruck 7 Ultimate Survivors na sima Kim de Leon at Shayne Sava. Pinainit din ng pinakabagong all male group ng GMA ang tanghali kasama ang mga Kapuso heartthrobs na sina Vince Crisostomo, Karl Aquino, Radson Flores, Abdul Raman at Kim de Leon.

Pinalakpakan din nang bonggang-bongga ang segment na “FTW” (For The Win) kung saan isang musical showdown ang naganap with The Clash biriteras Jennifer Maravilla, Thea Astley, Antonette Tismo and Golden Canedo.

Siguradong ikinaloka rin ng viewers ang “Sing Kilig” segment hosted by Ken and Rita, kung saan namili si Rhian Ramos sa dalawang mystery singer na boses lalaki pero hindi niya alam na parehong transwoman ang mga ito. Siyempre shocked ang Kapuso actress nang lumantad na ang kanyang napili.

At siyempre, ang isa sa mga naging highlight ng programa ay ang “Tapsikret” na isang live sitcom na pinagbidahan nina Paolo Contis, Glaiza de Castro, Betong Sumaya, Kakai Bautista, Boobay, Super Tekla, Lexi Gonzales at Kim de Leon.

At in fairness, aliw na aliw ang Kapuso viewers sa pinaggagawa ng tropa nina Paolo, Aicelle at Glaiza. May kuwento kasi ang “Tapsikret” at talagang aabangan mo ito dahil hinati sa ilang parts ang kuwento at next Sunday nga malalaman ang susunod na kabanata.

Pero sa totoo lang, agaw-eksena lagi si Kakai sa kanyang mga ganap kaya hagalpakan talaga ang manonood sa kanya, lalo na kapag nagda-dialogue na siya with matching dance steps.

Comment ng ilang netizens matapos ang #AOS, nakakabitin daw kaya siguradong tututok uli sila next week. Ang All-Out Sundays ay mapapanood simula 12 noon hanggang 2:30 p.m. sa GMA Sunday Grande.

Read more...