Isang source ang nagkuwento na si James Reid ang naghamopn ng cool-off kay Nadine Lustre. Natural, hindi naman pumayag ang aktres, dahil saan pa nga ba naman mauuwi ang ganu’ng kundisyon kundi sa hiwalayan?
‘Yun ang kumakalat na kuwento ngayon kahit saan, si James daw ang may lakas ng loob na mang-iwan kay Nadine, na para namang pinakain nito ng kung ano kaya ganu’n na lang ang pagiging kapit-tuko sa aktor.
May sariling mundo si James Reid, ‘yun ang paniniwala ng mga nakatanaw lang sa kanilang relasyon, si Nadine lang ang nagpapahaba sa kanilang relasyon dahil sa pag-intindi sa ugali ng kanyang boyfriend.
Malupit ang reaksiyon ng isang malapit sa magkasintahan, “Ewan kung ano ang ipinakain ni James kay Nadine para magpaka-martyr siya sa relasyon nila!
“Napakatagal nang may nagpapayo sa kanya na layuan na ang lalaking ‘yun, pero nandiyan pa rin siya, talagang hindi niya matiis ang lalaking ‘yun!” sabi nito.
Pero ganu’n ang karaniwang nagaganap kapag nagli-live-in na ang magkarelasyon, mas malaki ang posibilidad ng pahihiwalay, dahil masyado na silang pamilyar sa isa’t isa sa araw-araw nilang pagsasama.