IN denial pa rin ang JaDine fans sa rumored break-up ng idols nilang sina James Reid at Nadine Lustre.
Now, they’ve got something to hold on to. Nag-post kasi si Nadine sa kanyang Instagram story ng photo ng aso nilang si Cal who is shown na kina-careess ng isang kamay, reportedly, the kamay of James.
Isang fan page ang nag-repost ng Instagram story ni Nadine with this caption: “Hi James and Cal. Nadine’s IGS #JaDine #JamesReid #NadineLustre”.
Marami rin ang nagsasabing for publicity lang at isang malaking gimik ang hiwalayan ng dalawa, bagay na pinalagan ng fans nila.
Actually, matindi ang galit nila sa isang online portal na naunang naglabas ng report na hiwalay na ang young couple.
“To those who are saying na it’s for publicity and such, DUHHH. First of all palagi si James and Nads nai issue noon na nag break na. Secondly that another break up rumor for 2020 is spread by PEP na unreliable source ng mga chika pag dating sa showbiz. Mga assumera.
“Kesyo di na nag popost ng pics magkasama break na agad. Lastly, hindi si James and Nadine ang nag sabi ng break na sila so pano pagiging for publicity yun? Nadine and James are too mature to stoop that low for publicity!”
“Report na yang page na yan. Fake news at bias din yan. Chismosa!”
“Please report that page. Unang araw ng 2020 ganto bungad nyo di nakakatawa.”
“Taga spread din kayo ng fake news e. Source nyo mga trolls at bashers pa.”
Actually, naaartehan kami dito kina James and Nadine. For sure, they are aware that their break up is being talked about but none of them have issued an official statement.
May mga kumukuha na ng kanilang side but sadly, nag-iinarte pa ang dalawang palaos na ito at hindi pa yata handang magbigay ng linaw sa chismis sa kanila. Ano ba naman ‘yung one-liner na “no, we’ve not gone on separate ways” or “yes, split na kami.”
Bakit ba ang daming arte ng mga celebrities kapag mayroong issue sa kanila na puwede naman nila kaagad bigyang-linaw? Are they enjoying the media mileage or the free publicity?