Like any other alleged drug pusher, asahan nang kapag nasukol siya ng mga awtoridad ay itatanggi niyang nagtutulak siya ng ipinagbabawal na gamot.
Bagama’t ipinagkakanulo siya ng kanyang hitsura na halatang gumagamit, ang laging palusot niya ay isa lang siyang drug user. At kung anuman ang nahuli sa kanya in his possession ay personal na panggamit lang niya.
This never-ending alibi ay ginamit ding depensa ng dating aktres and former That’s Entertainment member na si Jenny Roa.
Arrested on Christmas Day in Pasay City, ilang araw na palang minamanmanan ang kanyang mga kilos, only to fall into an entrapment operation.
When interrogated, tulad ng aming panimula’y idinenay ni Jenny ang akusasyon laban sa kanya. Personal use lang daw ang ilang sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Unlike any typical suspect na nakorner sa bitag ng pulisya, may mga pagkakataong either straight English o Taglish ang mga isinasagot ni Jenny.
In a sense ay gusto naming paniwalaang may bahagyang pagbabago sa takbo ng buhay ng dating alaga ni Ovette Ricalde. Many years ago on Startalk ay nainterbyu pa namin si Jenny. Ipinasundo siya ng programa mula sa kanyang tinitirhan somewhere in Manila.
Naganap ang aming taped sit-down interview sa lobby ng main building ng GMA. That time, ‘di hamak na mas malala at wala sa wisyo si Jenny.
Bukod sa stuttered ang speech niya, may mga salitang kabaklaan na bago sa aming pandinig, words she coined herself. Sa madaling salita, nothing substantial came out of that interview na mabuti na lang ay taped, dahil we couldn’t imagine what it would have been like had she made a live guest appearance.
Nakakaawa siyang pagmasdan noon. Ang dating magandang mukhang tinataglay niya, ni katiting na trace ay hindi na mabanaag.