DI bababa sa 20 katao ang nasugatan nang rumampa at tumagilid ang isang pampasaherong jeep sa Antipolo City, Rizal, Huwebes ng hapon.
Naganap ang insidente sa Daang Pari, Brgy. San Jose, dakong alas-4, ayon sa Calabarzon regional police.
Minamaneho ni Jaime Mendallada ang jeep (DWE-276) sa pababang kalsada nang ito’y rumampa at tumagilid sa gilid ng daan.
Dahil sa impact ay nasugatan ang lahat ng sakay ng jeep at dalawa sa kanila ang malubha ang tinamong pinsala, sabi ni Lt. Col. Alvin Consolacion, hepe ng city police, sa isang panayam sa radyo.
Sadyang inirampa ni Mendallada ang sasakyan para makaiwas sa mas matinding disgrasya, matapos umanong magloko ang preno, aniya.
MOST READ
LATEST STORIES